i'm back !

happy ako kasi makaka-post na naman ako ng blog. binawal na kasi ang internet sa office so keri na lang. iba na rin ang sched namin and lumipat na kami at last sa PSC. ang galing!.. at least convinient na sa sasakyan kasi 1 ride na lang talaga ako. . and kahit madaling araw, may jip pa rin...

nag-birthday ako sa office. may mini-party sa pantry kasama ang "dedicated" family ko. as usual, miss ko ang family ko sa bacolod. miss ko rin ang pag-celebrate ng bday ko kasama ang parents ko. pati si deedee ko.

exciting kasi kasama na rin namin ulit ang shared team. makikita ko na naman ang mga magugulo at maiingay sa account. hehehehehe.

dito na lang muna. next time naman. at least naka-post ulit ako. miss you all!

1. tinuruan ka ba ng nanay mo ng tamang pag-uugali? sana naman noh, wag ka umasta na parang super close tayo and sana rin, wag ka umentra sa usapan pag di ka kinakausap kasi BAD MANNERS yan. tanong ko lang sana kung alam mo yan?

mabait ako ( yabang! ) sa mabait, kahit minsan mejo umaatake ang pagiging schizo ko pero sana lang, marunong ka rin tumingin sa limitations mo. kung may gusto ka kunin, sana marunong ka magpaalam kasi kabastusan yan.

malaki ka na at nagtatrabaho para alam mo na kung ano ang dapat na gawin at hindi.

2. para naman to sa isang " to whom it may concern ", wag ka masyadong magyabang na parang lahat ng bagay sa mundo, alam mo. hinay-hinay lang po.. mahirap ma-karma sa huli.

3. confident ka masyado sa sarili mo. halos ang dami ng niligawan mo at buti naman, may bumigay sayo. hmm maintain mo lang yan. sana wag na magising ang gf mo hehehehe.

i got all the shock today nung nakita ko ang tatay ng anak ko malapit sa lrt. bigla ako napayuko kasi ayoko sya makita nya ko. good thing, para syang nagmamadali and ayoko talaga mag-usap kami. sana lang talaga, he can move on now.

pumunta sya actually sa office ni amy and eto daw mga tinanong nya :
" nagka-boyfriend ka ba? "
" nagka-gf ka rin ba? "
" galit ka ba sa mga lalaki? "
" pano kung may makita syang iba? "

ayoko na mag-comment. sana lang talaga alam nya ginagawa nya.

frustrated na ko. wala akong sale sa araw na to. bullshit talaga! ahhhhhhh!!!!!! quiet na ko.

rest day na naman !

thank God for Saturday! rest day na naman and sana mag-enjoy ang mga friends ko this weekend.

to my friend arlene, sana gumaling ka na. and mejo matagal na naman bago ka namin makita ulit. alam mo naman na ikaw ang kakwentuhan ko lagi so i will miss your company for sure. i hope may time ako para ma-visit kita. you have my prayers, sis.

i also would like to say a special prayer for Mr. Teddy Benigno, whom my mom adored so much. magaling syang writer and he can really say what's on his mind. dad sya ni marc, na ex-bf ni jane c. in fairness, naging close na rin si marc samin kasi lagi syang kasama sa gimik dati. and one thing, i will keep the picture mr. benigno gave me ( na may special note pa) because kinulit ko si marc to ask one for me. i know God is waiting for his homecoming!

so hanggang sa muli... happy weekend to all !

KENNY, THANK YOU !

binago ni kenny ang blog ko. maganda na ngayon. di kasi ako maarte kagaya nya hehehehe. at nilagyan nya din ng tagboard. again, thanks, ken.. i owe you one.

kabado na naman ako ngayon kasi ung customer, nag-cancel dahil sa credit check. ok lang.. ganun talaga eh. pana-panahon lang kumbaga. inom na lang tayo ng ginebra para bilog ang mundo. chos!

petsa de peligro.. lito na ang mga tao kasi super tipid na sa anda... naman kasi, katapusan is katapusan talaga.


bago mag-rest day, share ko ang forwarded email ni det. maganda. tagos talaga to sa mga problemado tulad ni tyang :)


AnG PaGmaMahaL duMadaTinG
sa
TaManG
oRas At TamaNg paGkaKataOn..MinsaN
SiniSiSi Pa NatiN anG saRiLi NaTin KuNg
BaKiT
NgaYon Mo LaNg NaLamaNg MahaL Mo
Sya..
KunG aLam Mo LaNg...
NgaYon Mo LanG Yon NaLaMan Kasi EtO
YunG
TiNataWag Na "TAMANG PANAHON"..
SoMe ThiNk Of LoVe As a PasT TimE..FLinG
At
TrIp LaNg..YunG MaHaL Nya NgayOn..BuKas
HiNdi Na...BoYfriENd Nya NgaYon Pero
TaNggaP Nya Na IsaNg aRaw TaTawaGin
Nya
din Yung "EX"..
MataGal Nga,,inaAboT pa Ng taOn pErO
ILaNg
taoN??1? 2? 3? Tapos PaG
nagKakaSawaAn na
NagAAyaWaN Na At MaY iBa NamaN Na
NagTataGal LanG ng TaoN daHiL
naNghihiNayaNg sa PinagsamaHan...
BaTa Pa MasYado aNg
ganoNg magmahaL...
MaY iBa NaMaN Na MasYadOng SeryoSo At
SenSiTiBo Pag DatIng Sa baGay Na yAn..
YuNg
TipO Ng TaoNg haNdaNg iRisK AnG laHat..
MagBigaY.. MagParaYa.. PaRaLaNg DoN sa
TaoNg maHaL Nya.. MerOn PaNg Iba DyaN
Na
PiniPigiLaN YunG naRaRaNdaMaN Nya KasI
HigH ScHoOL PaLaNg O Di Kaya TeEnAgER
PaLaNg, GuSto Nya KasIng MaGiNg siLa
NuNg
taOng Yon Sa paNahoNg seryosoHan
Na..YunG
SiGuraDo Na Sya Na Yung TaoNg Yon Nga
ang
GuSto NyanG makaSama PaNghaBanG
BuhaY..KumBaga "TAMANG PANAHON"..
ThErE's This QuOTaTioN SaYinG:
"i dont care how many lips u'vE kisd....
i dont care how many women u've embraced
i dont care how many ladies heard u say u
love dem....ol i care is d future...
not to be u'r FIRST but to be u'r LAST"..
MaSaRap MagmaHaL nG TaOng MahAL ka
Din..YunG feELiNg Nyo SouLmaTe Kayo..
KAYA KUNG PARA SAYO TALAGA
SIYA..ILANG
TAON MAN KAYO DI MAGKITA.. ILANG TAO
MAN ANG MAHALIN NIYA.. GAANO MAN SIYA
KALAYO O MARMI MANG HADLANG..
MAGKIKITA PA RIN KAYO KUNG TALAGANG
PARA KAYO SA ISA'T ISA...
pAg-iBiG???....
HinDi HinahaNap Yan..Kusa yAnG
duMaRaTinG sa "TAMANG PANAHON"..

si jacklyn !

1 day more and it's rest day again. sana lang may sueldo na tom para mas enjoy ang weekend.

malapit na pala birthday ng father ko. and on may 30, anniv pa nila ng mom ko. di ako sure kung naalala pa nya un or naiisip pa ba nya ang mom ko kasi may ibang family na sya. malapit na rin ang birthday nya. di ko alam kung tatawag ba ako or magpapadala ng gift. takot lang kasi ako mag-usap kami kasi baka maulit na naman ung dati na di ko man lang na-feel na mahal pa nya ako. senti ba? di naman masyado. pero sana lang he's still thinking about me.

magsa-sacrifice na naman yata ako ng lunch today coz la pa ko sale. keri lang...

magpapatayo ako ng rebulto katabi ni ninoy :)



mejo gusto ko tong pinadala na email sakin ni sharon m.. salamat ha at mejo napa-smile mo ko. :)

SUGGESTED TITLES OF PINOY PORN MOVIES.... la lang

Umaga Na Nang Hinugot

Ang Sarap Mo Nene (Huwag po Lolo)

Dinuguang Tahong

Jingle Lang Ang Pahinga

budburan mo ng suka ang uhaw na lumpia

virgin pa si kuya

halinghing sa likod ng saging

Inday! Wala Senyorita Mo!

Dinilaan Hanggang Naubos

Kulang sa Haplos

Mahapdi (pero kaya ko pa)

Sayang ang Sabik

Gatas ni Lucas

Dapa at Dura

Dakilang Sawa

Iyo ang talong, Akin ang patola

lumabas na gatas

tirahan ng tirahan hanggang kamatayan

lamas sa ibaba at itaas

zipper mo bukas

pa dila

pasubo ng hotdog

lamas sa melon

ng gabing maubos ang katas

kabig ng dibdib, subo ng bibig

lulon lola (wag itapon)

mahirap abutin, pero kayang tiisin

sipsip ni nene, sarap ni rene

batihin si lolo, happy birthday!

jaclyn mo, jaclyn ko jaclyn si jack

Laplapin Mo Beybe!

Biyakin Mo ang Kastanyas ko

Uyy Santa... BigBoy ka Pala!

Ako'y Magbabaging, Sa mahaba Mong Saging

Kikiam, Yum Yum!

Katakam-takam si Ma'am

LEAVE ME ALONE !!!

HOY TUMAHIMIK KA !!!!

for my father :

This is for my father whom I haven’t seen for almost four years now. Truth is, we never communicated again after a bad confrontation with him. I know that he will never had the chance to read this but if time comes we see each other again, I hope I will have the chance to tell him everything I never said before.

Remember that I was your baby before. You treated me just like a sibling; we always go to the movie and eat at our favorite restaurant. You were like a brother I never had. And I tell you things I can’t tell Mom.

But that was before. Now, everything changed. You have a family of your own. And the last time we talked, it’s as if we were not separated for years. I told you “ I miss you” but you never told me what you feel. And when finally I went home to see you, you were never excited to spend even just one day with me.

I don’t know where I went wrong. And I’m like being stabbed on the heart for the cold treatment you gave me. I sometimes wonder if you still love me or was there ever a minute you stopped just to think of me.

Truth is, I miss you so much. You just don’t know I cry almost every night thinking I am no longer the daughter you had before. I miss our time together, our talk, especially your fatherly love.

I am praying that one day comes we can spend time again.

I am wishing that I could still feel I am loved.

I hope it’s not yet too late.

friendship !

don't talk about friendship kung di mo kaya maging totoong kaibigan. true friendship don't just share the fun but damayan kau sa lahat ng bagay, whether it's good or bad.

ayoko lang sa tao na pag may problema ka, tatakbo ka sakin to ask for advices and parang best friend ang turing mo sakin. seryoso ako when it comes to friendship. because i value the person and i treat that person like a sibling. ( being an only child makes you feel this way ). pero pag may kasama kang ibang friend, parang acquainted lang tayo. well, better forget the friendship.

sana lang wag mo akong gawing shock absorber kasi ayoko ng plastikan.

sori lang pero nawawala ang respeto ko sa ganitong klaseng tao. maging aware ka sana.

sori !

di ko alam kung galit ka ba sakin o kung talagang nagti-trip ka lang? lam ko di ako perpekto na tao pero ikaw ba, tama sa lahat ng bagay? nasa taas ka pero di ka marunong tumingin sa mga nasa baba. ano akala mo sa sarili mo, diyos??? perpekto, ikaw ba yan ha??? pakinggan mo sana kung ano ang reklamo ng mga tao sayo para may idea ka kung ano talaga ang nangyayari. puro ka lang utos at basta ka lang nagagalit na hindi mo muna inaalam kung ano talaga ang nangyayari. hay naku naman, di ko alam bat anjan ka? wala kang kuwenta! ipapatay kita makita mo!

for joanne : sori kasi umiyak ka sa joke ko sayo. dear, joke lang po un. of course, sobrang di ka katulad nya kasi malaki ang pagkakaiba nyo. dear, sori talaga... di ka talaga katulad nya. katuld ka lang ni.................. hehehehehehe... joke! )

rest day na naman. excited ang mga pupunta ng puerto azul tomorrow. happy trip satin !!!! :::)))))

i'm glad i'm still here :)

papunta na ako ng ofis kanina sakay ng taxi nang may nadaanan kaming lalaki na nagtutok ng baril sa ulo nya. may mga nakasunod sa kanyang mga tao pero nagwawala sya. nang malapit na kami sa kanya, bigla sya humarap sa driver sabay tutok sa baril. natakot ako kasi baka sa driver nya ibuhos ang galit nya. buti na lang, pinaalis nya kami. dun ko naisip, mahal ako ni God. kasi kung hindi, baka may nangyari nang masama sakin.

kagabi, papunta sana kami sa QC nang biglang in-announce na may sira nag train na sasakyan namin. windang! kaya pinababa kami ( buti nasiraan sya sa station mismo ) at pinaantay. dumadami na ang tao pero di pa rin naaayos. bad trip pa kasi di refundable ang ticket. letse! di naman yata kasalanan ng tao na masiraan ang tren. gobyerno talaga!

Lord, thanks for Your guidance. I owe You my life. Amen!

PAHABOL : sana lang wag makialam ang ibang tao sa away ng iba. mag-reklamo ka kung may ginawang masama ang tao sayo pero kung para lang magka-issue ka, na feeling mo artista ka, tumahimik ka! ni wala nga kumakausap sayo, hayop ka! at sana lang, kung may gulo ka sa ibang tao, wag mo hatakin ang ibang tao kampihan ka kasi alam mo sa sarili mo na duwag ka. sana lang, wag na tayong umarteng parang mga bata. ang tatanda na natin para mag-away na parang mga nasa elementary. MATANDA KA NA PARA UMARTE NA WALANG ALAM! ONE LAST THING, ANG TOTOONG MAYAMAN, HINDI PINAPAALAM NA MAYAMAN SYA. DUDA TALAGA AKO KUNG MAYAMAN KA NGA. NI HINDI KA NGA MAKATAWAG SA CP MO KASI BAKA NAGTITIPID KA. MAYAMAN! AAARRRGGGGGHHHHHHH!

happy weekend !

ok na ang mood ko. keri lang. rest day ko na naman. ayoko na mag-absent ulit kasi mahirap na nababawasan ang pto's ko. kelangan ko kasi umuwi on november para sa bday ni baby deedee ko.

sana next week will be a good and new week for me. wala nang negative feelings. wala nang bad moods. basta.

sa mga friends ko, happy weekend. see you next week. :)

bawal na ang choco!

galing ako ng sick leave. mejo gumagrabe ang sinusitis ko. hmm maybe umaabot na sa buwan ang pagiging pasaway ko kaya nagkaka-karma ako. but im ok now. happy lang ako kasi may mga concerned friends ako na masasabi kong, totoo silang mga tao. sila ung nagpapa-gaan sa feelings ko pag alam nila na bad trip ako.

bawal na pala chocoloates sakin. nakakadagdag kasi sa sakit ng ulo ko pag mag-trigger ang sakit ko. so from now on, goodbye rocky road, snickers, chocolate cakes and basta lahat ng may choco! ok lang. sana lang wag umabot na puro gulay na lang ipapakain sakin. parang death row na ito!

mga friends, thank you sa mga kind words. mahal ko kayo! ( sabay kaway ni sandy ) :)

thank you !

i don't know what will i feel today. i received a not so good news but i accept my fault. i'm one person who recognizes the mistake i did. turo yan kasi ng mommy ko na maging honest. anyway, for the person who's not just my superior, but also someone who offered the pureness of friendship, thank you. sorry if i wasn't myself when i did that mistake because as what i've told you, nawawalan ako ng gana. but sinabihan nyo ko to hold on and to think positive. kumbaga, challenge sakin to. i'll make the best to prove na magaling ako and kaya kong panindigan ang ginagawa ko. thanks for the encouragements. most of all, thank you for believing in me. i can't ask for anything else.

i miss you, baby dee :)

napadala na rin sakin ang pics ni deedee. pinadala ng cousins ko and sobrang miss ko na sya. i felt guilty kasi nag-graduate sya na wala ako and tagal na rin na di kami nagkita. kung sana lang she can spend the summer here pero di sya pinayagan so ok lang. bawi na lang ako sa birthday nya.

dee, i miss you so much. i hope you can still forgive me sa mga pagkukulang ko and sana love mo pa rin si mama. i hope you will grow up na God-fearing and mabait. mahal ka rin ng family ng lola mo kasi magkamukha kaung dalawa. kung sana lang nakita ka ng lola kasi nawala lang sya na di nakakita ng apo nya. but i know na kahit papano, she can still see you and i know din na happy sya na andyan ka.

i love you, my baby dee. i will see you soon. please wait for mama and i know one day, mawawala na rin ang probs natin. i love you!

black saturday

sabi ng iba, eto ang araw na walang diyos. kasi sa araw na to, namatay si Christ. sabi pa ng iba, sa araw daw na to lumalabas ang maligno at kasamaan kasi nga walang diyos. di ko alam kung san nanggaling ang concept na to. dapat kasi, instead mag-isip ng kung ano, mag-reflect, kasi sa araw na to na-give up ni Christ ang buhay Niya para ma-save ang mga tao sa kanilang kasalanan. Amen!

" bukas ka pa uuwi. sori kung sobra ang paranoia ko kasi ayoko lang kasi nag-aaway na naman tayo. 4 years na tayo and sabi nga nila, ang tatag na ng relationship natin. pero sana lang, wala ng manggugulo satin. intindihin mo na lang sana na insecure ako when it comes to him. and one thing pala, hindi ako pwede makipag-compete sa family mo. once mo na sinabi sakin na sila ang priority mo. matatanggap ko rin sa huli kung hanggang saan lang ako".

tama na ang drama. parang di yata bagay sakin hehehehe.

happy weekend sa lahat ng friends ko :)

happy holy week :)

it's holy week and sa church namin, meron kaming prayer meeting until good friday. then pag easter sunday, nagtitipon ang lahat ng baptists and evangelicals sa sports complex para sa sunrise service.

maiiwan ako mag-isa sa bahay kasi uuwi si amy sa bahay nila. forty days na rin kasi ng mama nya. siguro i will reflect o di kaya matulog na lang din.

wala na ko maisip i-post. next time naman.

bago mag-rest day

rest day ko na naman. di ko masabi kung ok ang week na to. kahapon lang, naiyak ako sa fx. at wala akong paki kung nakita ako ng mga tao kasi mas mahirap pag pigilan di ba. sana lang, matigil na un kasi baka magwala na naman ako.

pero ok na ako. ayoko na lang isipin pa kasi baka ma-bad mood lang ulit ako.

pag committed ka, unacceptable na na makipag-relasyon ka sa iba. touched ako dito. pero sori lang, may tiwala ako sayo pero wala akong tiwala sa kanya.

miss ko sila

one month death anniv ng mama ni amy kahapon. every night, umiiyak pa rin sya. i understand this although magkaiba ang naging situation ng death ng mom ko sa kanya. sana lang, soon maka-get over na sya sa depression kasi ayoko ko sya nakikita nahihirapan.


nagti-text kami ng niece ko na si apple. grade 5 na sya ngaun. i remember her na sobrang spoiled sakin. walang araw dati na di ko sya dinadala sa mcdonald's or jollibee at lagi akong may pasalubong sa kanya tuwing uwi ko from work. 5 years sila nag-stay samin and ang dad nya ang pinaka-close sa mom ko sa mga pinsan ko. and nung lumipat sila ng tirahan, halos araw-araw naman ako pumupunta sa kanila. minsan, dun na ko natutulog sa kanila.


di lang sya ang na-miss ko. ung iba ko ring mga pamangkin.


pero syempre, mas miss ko ang anak ko. sa birthday nya, uwi na talaga ako.

what matters most in this life isn't why

in your mind, you keep asking why
you know you ask too many questions
we're only in borrowed time
and for me, you don't have to know all the reasons.

what matters most in this life isn't why
but simple things like when one holds your hand
when you're assured that there someone who cares
who makes you feel special in so many ways.

why do we keep wanting for more in life
and we keep looking, but we don't know what to find
we have so much but are never content
we can't explain the emptiness we have inside.

lonely and lost are what we feel sometimes
feeling incomplete we just can't understand
why we want to have some things not meant for us
why we want to love what never can be ours.

what matters most in this life isn't why
just live your life, give the best that you can
somewhere along the way, we will find in time
we can feel complete without asking WHY.

happy ako

sobra akong happy. i got a text from my cousin na 2 years hindi ko nakita nor nakausap. nakausap ko rin ang mga pamangkin ko na halos ako ang nag-alaga sa kanila nung time na sa haus namin sila nakatira. di nga lang ako matandaan ng iba kong pamangkin kasi maliliit pa sila nung umalis ako sa bacolod.

naiyak din ako nung nalaman ko na 80 years old na pala ang tita ko. eldest sister ng mom ko. sobrang miss ko silang lahat. kuwento pa ng pinsan ko, nakikita daw nya si deedee lagi sa market at dala ang bag na pinadala ko sa kanya. sana lang pag-uwi ko, ok na kami ng iba kong pinsan. at sana tanggap na nila ako.

epistaxis

nag-pto ako ng saturday kasi kelangan ko magpahinga. nasabi ko na sa last post ko na dumudugo kasi ang ilong ko. kaya nung weekend, rest galore ako. and dun ko lang na-observe na rest lang pala kailangan ko. ngayon di na ngdudugo ang nose ko. and dapat ko na rin i-stop ang pagsinghot ng menthol kasi nakakasira ng sinuses. hmmm ngayon ko lang naisip ang disadvantage eh almost 10 years na ako gumagamit nito heheheh. nagpagawa rin pala ako ng bagong salamin kasi tumaas ang grade ng mata ko.

sabi pala ni rica sakin, open ng konti ang third eye ko. di ko alam kung totoo ito pero sana wag maging full kasi ayoko maging praning, na kahit saan ako tumingin, may makikita akong di kanais-nais. tuwing pumupunta kasi kami ni amy sa sementeryo, parang mabigat ang pakiramdam ko and sumasakit ang ulo ko. and last time, bigla akong nag-chill... wala naman akong lagnat. ang ginawa ko, kinausap ko ang mama ni amy at baka sakali nagpaparamdam sya sakin. di ako natatakot. ayoko lang ng feeling na mabigat, lalo sa balikat.

sa totoo lang, di ko naranasan to sa mommy ko. never ko naramdaman na anjan sya. how i wish na kahit sa panaginip, mag-usap man lang kami.

di pa naka-let go si amy sa mama nya. every night, umiiyak pa sya and ayoko sana na bini-blame nya si God sa pagkawala ng mama nya. sabi ko nga sa kanya, may plans for her and sa siblings nya kaya nangyari un, and besides, time na ng mama nya para bumalik sa Kanya. i know it will take a while para matanggap nya pero kelangan ko intindihin.

sana she can move on na. coz i know, naka-move on na ang mama nya.

post ulit ako!

ilang days din wala akong post. wala lang siguro akong maisip na magandang isulat.

worid ako kasi lately, nagno-nose bleed ako. siguro dahil sa sinusitis ko and dahil na rin siguro sa matagal ko ng pagsinghot ng menthol. adik na nga tingin ng mga tao dito sakin pero keri lang kasi, lahat yata sa pamilya namin, di talaga pwede walang vicks or something menthol na sinisinghot. kelangan ko yata magpa-check up kasi the last time na na-xray ako, dun ko lang nalaman na may sinusitis na pala ako. ayoko magkasakit. kaya kelangan ko na tumigil kasi ayokong umabsent.. chos!

nagpapasalamat ako na na-recognize ang pagod ko sa fulfillment. salamat sa mga sups na nagtiwala sakin ha :)

4 years na kami. happy ako na kami pa rin and sana, hanggang pagtanda namin, kami pa rin.

T for Laguna

"ano ang T sa acronym na BLTB" sagot : LAGUNA !

hehehe actually, yan ang sagot ng "tutor" ng roosevelt nung napanood nya ang GKNB ni kris aquino. o di ba, ang galing nya. parang di ako makapaniwala na ganun pala talaga ang takbo ng utak nya.

sabi nya, buntis sya. pero di sya nagpapa-check up at rely lang sya sa pagkaka-delay ng regla nya. un pala, dinugo sya nung isang gabi at dun namin nalaman na di nga sya buntis. pero susme, ang arte! di sya naglalaba kasi masakit ang puson nya at lagi lang sya nakaupo. ilusyunada ito na di nya matanggap na di sya buntis! at, pina-resign pala sya ng asawa nya. di nya daw alam kung bakit.

nung libing, nag-comment daw pala sya sa mga taong nagtatrabaho sa sementeryo. para daw mga mukhang di mapagkatiwalaan, nakakatakot, at kung ano pang panlalait. aba neng, dahan-dahan ka sa panlalait mo. tingnan mo kaya sarili mo sa salamin. mismo bayaw mo nagsabi na mukha kang taga-bundok. at ambisyosa ka na a-apply ng call center ! ano ulit sabi mo? "gusto ko sana mag-aFFly sa office nyo? kelan ko pwede bigay aFFlication ko sayo? hay naku, sensya na po. pero jan palang eh bagsak ka na. pahiya mo pa ko.

di ako perpektong tao pero sana naman wag tayong masyadong manlit kung alam natin na halos kaugali lang natin ang nilalait natin.

mga kuwentong lamay

ayoko sana mag-comment tungkol sa lamay na napuntahan ko lately kaya lang di ko maiwasan. may mga characters duon na para sakin, nakakaaliw.

1. rigor mortis - medical term ito sa bangkay na naninigas na talaga. isabg bata to sa lamay. aba nagulat ako, natutulog sya sa sofa at parang naninigas ang katawan. straight na straight at parang nakatingala pa ang ulo nya. hanu ba yan? gusto ko sya gisingin para itanong ng " bata, buhay ka pa ba? ".. hehehe. joke. at take note, gusto nya nakalabas ang panty pag tulog.baka daw naiinitan.. sabi ng kuya nya, " buti na lang, soen panty nya ". hmmm ano kaya meron ang soen at ok lang makita ang parteng yun?

2. the mummy - kapitbahay ito. retarded. maitim pero naka-silver na belt. at hanep sa porma! mahilig sya sa orange na tshirt. nakita ko sya pano matulog. nakatagilid. ang kaliwang kamay nasa kaliwang pisngi. nakabaluktot. hmm itsura ng inca na nahukay sa isang kuweba. parang bigla kong gusto mag-alay ng kandila at mag-ritual hehehe.

3. si dungis - ito ang bata na daig pa ang batang palaboy sa dumi. 2 beses lang yata sa isang linggo kung maligo. pabalik-balik pa sya sa mesa para kumuha ng pagkain. kung di mo lang alam na relative ito, malamang pinagtabuyan mo na to at sabihan " bawal ang magpalimos dito ". naligo nga sya kahapon pero parang wala lang nangyari. mahiya na lang ang tubig na ibuhos dito.
sensya na sa panlalait. di ko lang maiwasan punahin. naaaliw lang ako.

pahabol : may mga pamahiin duon na ngayon ko lang nalaman.

1. pag may humatsing, pipingutin agad ang tenga. para daw hindi dadalawin ng patay. hello? eh kaya nga humahatsing ang tao kasi may nakapasok na virus sa katawan. pangontra ito para mailabas ang mikrobyo. kaya marami na ang nagka-sipon sa kakapigil sa paghatsing.

2. hindi pwede humabol sa burol - balak ko kasi sana humabol na lang kasi ala-2 ang libing eh ala-1 ang labas ko. kasi pag daw, baka may humabol din na susunod na mamamatay. hirit tuloy ng isang matanda sakin, " maawa ka naman sakin. di pa ko handa ". hala, di ko alam kung nagpapatawa sya o talagang takot lng.

3. hindi daw pwede ihatid ang bisita pag uuwi na. kung pwede hanggang pinto na lang sana. kung bakit, di ko alam.

4. eto pa, pag may magbigay daw ng abuloy after ng libing, bawal na daw tanggapin. huh? ewan ko san galing ang pamahiin na to pero sayang naman kung di tatanggapin kasi pera yan eh.

hayy, kung tutuusin, robot na ang nagpapalakad sa ibang nasyon ngayon. nakarating na ang tao sa buwan. at wala na rin si maria clara para maging konserbatiba tayo. okey, irespeto ang pamahiin pero sana man lang, mag-isip din tayo kung talaga bang makakaapekto to satin. kasi para sakin, kathang isip lang to.

the unexpected

2 nights ago, namatay ang mother ni amy. kuwento ng mga kapitbahay, masaya sya nung umaga pero di namin inexpect na mawawala sya pagsapit ng gabi. high blood sya. diabetic pa. siguro daw, inatake ng HB at nahilo kaya natumba. nabagok ang ulo sa semento at nagsuka ng maraming dugo. comatose na pagdating sa hospital. 2-3 hours later, wala na sya.

naisip ko kung gano kabilis mawala ang buhay ng isang tao. kanina lang, kausap mo pa pero di mo inaasahan, mawawala lang bigla.

nagpapasalamat ako na nagkaayos kami bago sya kiniha ni Lord.

nagkita ulit kami ni boy saudi. akala ko papatayin nya kami kasi yan ang sabi nya noon. pero wala. mukha pa syang kawawa ngayon kasi kahit pambili ng sponge at dishwashing paste, wala na sya. ano ba? bat ngayon, para kang maamong tupa? at kung makaiyak ka sa kapatid mo, akala mo bata. tsk tsk tsk.. wala ka talaga oo. ewan ko sayo!

masakit ang ulo ko. nahihilo ako. tulog muna ako.

hafi balentimes !!

ok na ko. salamat sa mga payo, friends.. ganyan talaga ang buhay. malapit na kami mag-4 years at madami na kami napag-daanan sa relationship namin. sana kami pa rin hanggang pagtanda namin.

bakit ngayon mo lang sinabi?

sana lang maintindihan kita. nawawalan na ako ng gana. mahal kita and sana totoo ang sinasabi mo. pero kung gusto mo pa rin sya, just tell me the truth. i'll understand.

anticipated!

" it's better to pet a snake in your backyard than to help a person without an owe of the inside ". ( mas mabuti pang mag-alaga ng ahas sa bakuran mo kesa tumulong sa taong walang utang na loob ).

sana walang masyadong mag-react kung hindi, isa kang anticipated! antipatika yan ok!
wala lang kasi akong ma-post talaga.

maan, congrats sa promotion. sana wag mo kalimutan na minsan, humingi ka sakin ng advices. hehehehe.. joke! goodluck, my friend. we're happy for you :)

si nginig, si lola, etc., etc.

akala nyo horror na naman to noh.. hindi... si nginig, kapitbahay ko yan sa pasay. bakit nginig? may-ari sya ng tindahan malapit sa min. dun ako bumibili lagi ng yelo at kung ano-ano pa. alcoholic kasi sya kaya medyo pasmado na kamay nya at laging nanginginig pag nag-aabot ng binili mo. kanina bumili ako ng pork and beans. di ko alam kung alam nya ano ang binibili ko. nagtanong pa sya sa misis nya kung magkano eto. tapos, nagulat ako, inabot sakin, condensada. sabi ko, "kuya, pork and beans ho". sagot nya "ah, sori mali". tapos akala ko tama na ibibigay nya, ung inabot na naman sakin, corned beef! susme, di ko alam kung matatawa ako o maiinis. kaya sabi ko ulit," kuya, pork and beans hu. ung sa taas ng pinagkunan nyo ng corned beef". narinig siguro ng asawa nya, tinuro na lang sa kanya. di na ko ngumiti kasi baka gyerahin ako ng kumander nya. tapos pag inaabot na ang binili mo, kelangan alisto ka rin kasi minsan, sa sobrang nginig ng kamay nya, nagkakatapon-tapon ang binili mo. parang gusto ko tuloy sya sabihan na tumigil na sa pag-iinom at lumalala ang resulta ng alak sa kanya.

nakuwento ko na rin minsan yung tungkol naman sa isang lola na may-ari din ng tindahan malapit samin. dun naman ako bumibili ng softdrinks kasi mas malapit sya sa bahay. di ko alam kung kelan nya pa natutunan ang amazing act nya pero nakakatuwa sya. mahilig si lola sa sigarilyo. pero alam nyo ba, ang nakasinding parte eh nasa loob ng bibig nya at ung filter nasa labas. baliktad! pero keri nya. curious ako kung napapaso din kaya sya at kung nilulunok nya ang abo na tumataktak? hmmmm? sabi ko nga, siguro dati si lola, kumakain ng apoy o di kaya bubog. at sa pagtanda nya, sigarilyo na lang ang kaya nya kasi baka sa edad nya at kumakain pa sya ng apoy, eh cremation na un. hehehehe.. joke!

may mag-asawa naman na nakatira sa isang jeep. di ko alam kung bakit dun sila natutulog. pag makikita mo ang jip, may mga nakasampay na mga damit at merong maliit na cabinet pa. sobrang liit para kumasya sa sasakyan. pero parang walang problema ang mag-asawang ito. makikita mo sila laging nakangiti at feeling nila, mobile home ang tinitirhan nila. gusto ko nga minsan alukin ng DTV at baka interesado sila hehehe.

yung mga babae naman, pag-umaalis ako ng bahay, makikita mong nag-uumpukan na sa isang tabi. merong nagkukutuhan, nagpapatanggal ng uban, o di kaya nakaupo na parang nag-aantay ng ng grasya galing sa langit. pero ung may mga pera, nagto-tong its na yan. meron ding mahjong. typical na housewives. antay sa pera ng mga asawa at para merong ipambili ng ulam. pero observe ko, pagka may umuuwi lalo pag sueldo at may bitbit na grocery, maglalakihan na ang mga mata at titingnan ang dala mo. na parang kamag-anak sila ni superman na merong x-ray vision at makita ang loob ng supot.

pero kahit ganito ang mga kapitbahay ko, naiintindihan ko sila. kasi sa araw-araw na ginawa ng langit, eto lang ang mga pwede nilang gawin. ganyan sila eh. kaya mabagal ang asenso ng tao. salamat na lang at merong nginig samin. aliw na ko dun.

casper

naniniwala ba kayo sa multo? totoo kaya na may mga namamatay na nananatili pa rin dito sa mundo? mahilig ako magbasa tungkol sa paranormal pero di ako gaano naniniwala sa multo kasi wala pa kong nakita o naramdaman at para sa akin, kung sakali mang magpakita ang isang kaluluwa, hindi sa katauhan ng isang tao kundi makikita mo ito na parang usok lang.

naalala ko ang kuwento ng tita ko na nakaranas ng out of the body phenomenon. sabi nya, isang gabi daw habang tulog sya, naramdaman nya na gumagaan ang pakiramdam nya. hindi nya malaman basta parang nakalutang sya. nang ipikit nya ang mga mata nya, nakita na lang nya ang katawan nya sa higaan katabi ng tito ko. pinilit nya tingnan ang mga kamay nya pero ang nakikita nya ay parang bulak ang katawan nya. gusto nya sumigaw pero walang boses na lumalabas kahit nakabuka na ang bibig nya. nakita na lang nya na parang hinihila sya sa isang tunnel na may liwanag sa dulo. ayaw sana nya lumapit duon pro may parang humihigop sa kanya. at pagpasok nya sa liwanag, maaliwalas ang naging pakiramdam nya at parang wala syang maramdamang takot o ano man. nakita nya ang malawak na hardin at puno eto ng mga bulaklak. papunta na sana sya sa isang parang daan ng may narinig sya na "it is not your time. go back". bigla daw syang hinigop ulit papasok sa tunnel at nakita nya na binibigyan sya ng cpr. nagising sya na may nagsi-cpr pa rin. bumalik na sya sa katawan nya. ayaw ko sana maniwala pero marami na ring nagkaroon ng ganitong karanasan.

napapnood din natin sa tv ang mga nagmumulto, na kung ano ang hitsura nila nung namatay sila, ganun din sila pag nagpakita sila sa tao. maaring maramdaman natin sila pero ung makita natin ang anyo nila, para sakin, imposible eto. ang tao kasi, pag namatay, aakyat na ang kaluluwa nya sa taas. pero syempre, iba-iba ang paniniwala natin. lalo pag iba ang relihiyon, iba iba ang pananaw sa kamatayan.

pero magtataka pa rin kau kung bakit ako atat sa paranormal. ewan ko. curious ako. nung pumunta nga kami sa MFC, nakaramdam ang mga kasama ko ng lamig daw. eh pano di lalamig, alas-12 un ng gabi. at sinilip ko ang basement pati na ang taas ng building, wala rin akong nakita. last naming pinuntahan ang theater mismo, kasi sabi ng mga guards, dun daw marami nagpapakita kasi halos dun nalibing ang mga construction workers dati. pumasok kami ng isa kong kasama. hinayaan kami pumunta malapit sa back stage. ang kasama ko, sabi nya parang may nakita syang anino sa likod pero nang tiningnan ko, wala. at nanlalamig sya pero ako wala pa ring nararamdaman. niyaya ko na lang sya palabas ng theater. paglabas namin, dun ko pa lang nakita na putlang-putla sya.

dati din nung nagtatrabaho pa ko sa hospital sa bacolod, naka-assign ako sa 4th floor. ako lang ang staff dun at ang midwife na kasama ko. 12am ang pasok ko so mejo ok sakin kasi puro tulog ang mga pasyente ko. 1am, nakarinig ako ng tili at nalaman ko na ang kasama ko ang nagtatakbo pababa ng floor.

tinawagan ako ng kasama kong nurse sa 3rd floor at kinuwento nya sakin na kaya nagtatakbo ang midwife namin, may nakita daw syang parang anino na palakad-lakad sa isang kuarto. at nung nasa loob sya ng pantry namin, bigla daw bumukas ang isang drawer namin. kaya sa takot, napatili sya at tumakbo pababa. pinilit ko sya bumalik sa floor at para di sya matakot, nagpasama kami ng isang helper. nag-abang ako hanggang alas-3 pero wla akong nakita.
siguro wala akong talent na makakita o makaramdam. o di kaya, gaya ng sabi ng isa kong kaibigan, baka hindi nakabukas ang third eye ko. baka nga. pero sa isip ko, sakin yata takot ang multo.

pano daw ang mga taong biglang namamatay? sila yata yung sinasabi nila na may unfinished business. hindi pa sila nakakaakyat kasi hindi sila aware na wala na pala sila. ung minsan na-feature sa tv, ung tungkol sa bata na nag-mumulto sa ambulance. ksi sa sasakyan na sya namatay at wala syang alam na patay na sya. kaya hanggang ngayon, nararamdaman sya ng mga pasyente sa ambulansya, na merong parang naglalaro at tumatawa.
di ko alam kung ano magiging reaksyon ko sakaling makakita o makaramdam ako. siguro dahil tao lang, pwde akong matakot. tsaka ko na lang ikwento pag may nakita ako. sana kung kasing cute nya si casper, baka gawin ko syang pet.

di ako naka-post last week. ewan ko ba. may naisulat ako sa notepad pero di nakakalimutan ko i-post. anyway, ok lang weekend ko. di kami lumabas kasi tinatamad na and mejo tipid na din kasi may gagastusan. pumunta lang ako sa harrison at bad trip lang kasi may parada ng sto. nino sa roxas and nagka-traffic. pauwi na ko at naka-sakay na ng jip pero 20 mins. na, di pa umaalis ang jip sa harap ng mall. kaya, bumaba na lang ako at nilakad pauwi. majo paltos paa ko pero ok lang kasi nakauwi na ko, ang jip na sinakyan ko, di pa rin nakaalis ng vito cruz. natunaw tuloy ang chocolate na binili ko. bad trip!

tapos kahapon, nakabili ako ng 2 libro sa National kasi bargain. P50 lang isa. ok na rin kahit may kalumaan kasi maganda naman ang story.

hanggang ngayon, di ko pa rin nagagawa ang letter ko kay chit. sabi ko sa kanya, magpapadala ako pero parang wala pa ko sa mood sumulat. magagawa ko rin yan.

sa 700 club pala kagabi, nag-confess ang isang negro kasi dati, palaboy sya at nahuli sya sa pagnanakaw sa isang grocery store. pero nung nasa kulungan na sya, nakita nya sa tv ang isang pastor at nagustuhan nya ang preaching nito. simula noon, nagbabasa na sya ng bible at nakita sa kanya ang pagbabago, pinalaya sya at nagbagong-buhay na sya. ngayon pastor na rin sya at patuloy sa paglilingkod sa Diyos. maganda ang story. sana kung ang mga taong nalihis sa landas makaisip din na baguhin ang buhay nila, mababawasan ang masasama dito sa mundo.
maaga pa para mag-sermon ako. tama na muna to.

setting free

wala lang akong masyadong maisip. dumating na ang mga newbies. ang dami nila. pero keri lang. kahit kulang ang stations, masaya pa rin.

susulat ako sa best friend ko sa bacolod. matagal na kaming di nakapag-usap. 3 years na yata. at ngayon lang kami ulit nag-communicate.

maraming issue sa utak ko ngaun pero sori, sakin na lang muna to kasi ayoko may maaapakan. para sakin kasi, isa syang langgam. hehehe aapakan talaga.

eto na lang.. may kakilala akong problemado sa lovelife. 4 years na sila ng bf nya at sobrang trust sya sa lalake. med student ang bf at sya naman nasa call center nagwo-work. sa pag-aakala na sobrang mahal sya ng guy, hinahayaan nya lang ang time nito kasi student pa and as a med student, maraming projects sa school. ang di nya alam, matagal na palang may ibang gf ang lalake. at classmate pa ang "other girl". almost 1 year na syang niloloko and ngayon nya lang na-diskubre. kung di pa nya nahalungkat ang mga gamit ng bf nya, wala syang malalaman. sinumbatan nya ang guy at umamin sa kasalanan. rason ng bf, napilitan lang sya kasi ang girl naman ang humahabol. and mayaman ang girl para gastusan sya lagi. sinabihan ko ang friend ko na hiwalayan na nya kasi talo sya at araw-araw magkakasama ang dalawa. pero ayaw nya. mahal nya ang lalake. and tinawagan pa nya ang girl para makipag-settle sa time nila sa guy.

di ko alam kung katangahan ang naging desisyon ng kaibigan ko. matanda na sya para malaman nya ang tama at kung ano ang dapat gawin.

"they say if you love someone, then set him free.
if he comes back again, then in the end, it was meant to be."

fears and insecurities

paranoid ako lately. di ko alam kung kelan maaalis sakin to. bakit? basta. mahirap talaga pag di ka "normal". parang di mo sure kung ang taong mahal mo eh tatagal ba sa yo. at kung hanggang sa pagtanda nyo, kau pa rin kaya. isa pa, takot ako na baka Diyos na ang gumawa ng paraan para ituwid ang buhay ng partner ko ngaun. sana wag na maulit ang nangyari dati. sa isang iglap, bigla akong iniwan ng taong minahal ko ng 2 taon. at bigla nya rin sinabi sakin na dapat magbago na ko dahil di tatanggapin sa langit ang klase ng relasyon meron kami. nagtaka lang ako kasi nung umaga ng araw na sinabi nya sakin yun, nagbabalak pa syang dalhin ako sa Florida pag sakaling maka-alis na sya. tapos sasabihan nya ko na magbago ako. takot ako kasi parang lagi na lang akong iniiwanan. nawala ang mommy ko tapos bigla ring nawala sakin ang tatay ko kasi may pangalawang pamilya na sya.

ayoko ng ganitong pakiramdam. minsan, nahihirapan ako matulog at nagkakaroon pa ko ng masasamang panaginip. at pagnagti-text si amy at di nya pinapabasa sakin kung sino, nawiwindang ang utak ko. sana lang matapos nato kasi mahirap maging praning.

pero, di ako nasisiraan ng bait. kahit nagkaka-mood swings ako, normal pa rin ang pag-iisip ko.
lumalabas lang din siguro ang insecurities ko. palibhasa, sanay ako na pinakabunso ako samin kaya lahat ng atensyon, nabibigay sakin. ayokong naiiwan. takot ako. sana lang maintindihan ni God na sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya sa pagbigay nya sakin kay amy. kahit sa tingin ng tao, bawal pero wala akong pakialam. kasi alam ko, blessing sya sakin at happy ako na sya ang kasama ko.

fears na man lang ang pag-uusapan, di ko talaga alam bakit sobra ang takot ko sa bulate. lalo ung mapupula at matataba na gumagapang sa lupa. kahit nung maliit pa ko, makakita lang ako kahit isa lang, parang tumatayo buhok ko sa takot. pabasahin mo na lang ako ng ghost stories at papanoodin ng horror films, wag lang akong takutin ng bulate at baka magwala lang ako. nung lunes nga, nanood ako ng fear factor. ang challenge, pinakain ang contestants ng mga buhay na bulate na nasa pinggan. ewan ko, di ko napigilan ang sarili ko di manood kasi parang curious ako. kelangan ko pa kumagat ng unan para lang di ako mag-react. nakita ko ang 2 babae, nasusuka na sa kinain nila pero ang lalaki, para lang syang kumakain ng spaghetti.arrrgggghhhh! tama na to. ayoko na. sumasakit ang ulo ko!

may nakapagsabi na dumating ka na daw galing saudi. inaantay ko na magti-text ka o tatawag ka kasi di ba nagbanta ka na papatayin mo ko pagdating mo. eh, nasan ka na? wala na naman akong narinig sayo. inaantay ko rin na tatawag ka at manunumbat ka na naman pero wala eh. ewan ko ba? bakla ka nga talaga yata o baka umuurong lang talaga ang buntot mo?? mahirap talaga makipag-away sa taong matapang lang pag kaharap ka. wag ka mag-alala.. lahat ng text messages mo, di ko dinelete. at gusto ko harapin mo ko at sabihin mo sakin lahat ng gusto mo sabihin. hindi yung, kung kelan wala ako o nakatalikod na ko, tsaka ka magdadakdak na ang sama-sama ko! putang ina ka! magsama kayo ng asawa mong hambog! teacher ng roosevelt???? sa totoo lang, hindi ko alam bakit parang pinagyayabang ng asawa mo ang pagtuturo sa eskwelahan na yan na parang, ang tinuturuan nya, anak ng mga hari at reyna!!! at sori, ni hindi ko alam kung ano ang ka-level ng school na yan. (pasensya sa mga taga-roosevelt ). eto pa ha, sinabi ko sa pamilya mo na pagdating na pagdating mo, dapt ipapaalam na agad sakin na dumating ka na. eh, wala pa rin.

anak ng hinayupak! hoy, bago mo ko laitin, tingnan mo rin ang pamilya mo! ako lang ba ang may kademonyuhang nagawa?? ako, kahit di nagsisimba, humihingi ako ng tawad sa Diyos. pero ikaw, may pakanta-kanta ka pa at pa-donate donate ka pa sa simbahan nyo! alam ba ng pastor nyo ang KALINISAN mo???

aantayin kita, demonyo! didemonyohin ko lalo buhay mo!

sa mga makakabasa, ok na ako. ganyan lang talaga ang schizo. nagwawala lang ang "alter" ko. :)
ooppsss, pasensya at nagwawala ulit ang alter ko. may nagrereklamo na nawawala daw ang upuan nya. akala daw nya, head set lang ang NINANAKAW. sana daw pati computer idamay na ! ateng, mejo foul na yang sinasabi mo na PAGNANAKAW di ba? kung ikaw kaya sabihan ng ganyan, ok lang sayo? at isa pa, nagtatrabaho tayo sa iisang kumpanya, bat kelangan maglamangan pa tayo? insecure ka yata eh! wag mo hamunin ang mga tao dito kasi baka magsisi ka. at ano sabi ng kasama mo? wala naman kaming sale? bakit, ikaw ba meron lagi? punyeta kayong dalawa! at ano din pala sabi mo, ha, di kami tinatablan kahit nagpaparinig ka na? at bakit kami tatablan? guilty ba kami? punyeta ka, walang magnanakaw dito samin! baka ikaw ang magnanakaw.. KASI ANG MAGNANAKAW, GALIT SA KAPWA MAGNANAKAW! hindi ibig sabihin na kesyo palipat-lipat kami ng building, eh mamaliitin mo na ang tingin samin.

oh, okey na ulit ako.. wala na ang alter ko... smile na tayo ha :)

FIRST IMPRESSION PART 2

1. shey
first time namin sya nakita sa nho namin. bagong sup daw. pagpasok namin sa conference rm, nagulat kami kasi akala namin american sya. todo english pa kami para ma-impress sya.. aba susme, biglang nag-tagalog! hehehe buti naman para di kami masabak sa todong ingglisan. mabait to. the best na kaibigan.. di bola to ha... from the heart ito :) ... cute ng baby nya. hapi ako kasi suot ng kiddo ang binigay ko na bracelet sa birthday ng anak ni mia. and thankful ako kasi nasi-share nya samin ang kuwento ng buhay nya.

2. tyang mario
una ko syang nakilala nung time na merong pa-contest for the best retro attire sa floor. nanalo sya. and nakita ko sya nung kinukunan nya ng shot ang floor kasi nag-aaral sya ng photography. mas lalo ko syang nakilala nung magkatabi na kami ng stations. pero isa kang masayahing tao. kahit binibiro ka na sa floor, di ka nagagalit. at eto ha, kahit na-rape ka na, ang nasabi mo sakin pagdating mo "uy, bakla, na-rape ako!".. sa totoo lang, di ko alam kung magulat ako o matawa. pero tyang, salamat at napapasaya mo kami sa mga kuwento mo. pero hinay-hinay lang sa mga jowa mo. isipin mo ang bulsa at cellphone mo ok :)

3. agnes
mahilig sa libro.. sa mga hollywood news... at di ko alam kung mahilig ka pa rin sa ridges at dingdong. pero alam ko, isa kang seryosong tao. gusto ko ring binabasa ang blog mo kasi medyo may natutunan akong mahalaga sa buhay-buhay hehehe... sooooo-cial etong friend ko kasi halos lahat ng sosyal na kainan at pagkain, alam nya. soooo-cial ka talaga. pero like kita, friend, kasi totoo ka sa mga sinasabi mo. lately ko lang pala napansin, may common trait tayo. ang ayaw ko, ayaw mo rin. gets?

4. karla
excellent erep... irate erep din hehehe... parang walang araw na di sya galit sa customer. first time namin sya nakasama sa floor, lagi sya sinasaway kasi nagpapatugtog sya ng rock music na sobrang lakas. di ko alam kung trip nya o nagti-tripping sya hehehe. joke! pero pag makilala mo sya, mabait sya. wag mo lang syang galitin, kung ayaw mong makakita ng nalulukot na mukha sa harap mo :)

5. jo-anne
british accent ito. galing ng uae. dentistry student ng ue. dati tinuruan nya ko pagsulat ng arabic pero di kinaya ng powers ko! mahirap intindihin! na-test namin ang tagalog nya. pinasabi namin sya ng "balahura". eto ang version nya.."baelahowra".. pero at least natututo na sya.

6. jane t.
kumare ko kay joaquin. nung nalaman ko na pareho kaming nurse, nagka-bonding kami. malambing na tao to. lagi nya ko text para itanong kung may sueldo na. to think, mare, standard ka at lagi una ang sueldo mo sakin :( .. pero panalo ka, mare, kasi naging last name mo na ang after call. kahit dati pa, tatak mo na talaga yan. pero keri lang, kasi pag mawala na ang after call sa buhay mo, di ka na si jane tabuzo.. di ba? :)

katulad din ng dati, may kasunod din to..

FREE MOVERS PROGRAM

lipat na naman kami dito sa JG. this is the first of this year. last year, 5 times kami naglipat ng building. naalala ko ang first live exposure sa floor. nung dumating kami, walang sup kaya windang kami. buti na lang, andun si lod na sup ng nsi at tinulungan kami. ang nasa am, nasa jg tapos ang gy, nasa philam. pinalipat kami sa philam a month after so nakakasama na namin ang gy and meron na ring bagong batch dun. months after, pinalipat kami sa export bank. mejo ok na sana dun kasi mas accessible ang sasakyan sakin. tapos na-inform na naman kami na lipat ulit sa jg. para kaming nomad na nagba-bayanihan na naman. keri pa rin kasi wala kaming magagawa. ok na lang din kasi nakita namin ulit ang ibang ka-batch namin na nasa ibang account. naalala ko pa na tinarayan ako ng isang batch.. sabi ko sa kanya, "hi, we're batch mates.remember me?". super smile pa ko kasi ako na ang nag-magandang loob na bumati sa kanya. pero sinagot ako ng "i don't think so!".. aba, ineng, windang ako sa sagot mo! regret ako na nagpaka-plastic ako sayo! nyeta ka! sana dumami ang kuba mo sa likod!
anyway, ininform na naman kami na lilipat na naman pabalik sa export. di na talaga kaya ng powers namin. pero ok na rin kasi mas ok sa transpo ko ang place. and hapi kami kasi nag-open ang jollibee and chowking sa baba. well, after namin i-enjoy ang stay sa export, balik jg na naman kami. and di namin alam kung kelan and saan na naman ang next venue namin. wish ko lang, sa PS building na talaga.

hayyyy, siguro nga, dapat sanay na kami sa palipat-lipat ng tirahan. eto na talaga ang totoong FREE MOVERS PROGRAM! sobra lang talaga kaming bonded sa satellite account namin.. di ba, mga kapatid?

but this is the best account para sakin... masaya dito! sobra! :)

"A TRIBUTE "

FELICIDAD ESTACION LIBO-ON: my mom, a woman of courage, a servant of God.
The death of my mom was the most tragic event in my life. Truth is, I’m not that very close to her. To me, she was just a typical mom, a provider, and the reason I was born in this world.

It’s a regret I was not very thankful for her love and her care. I hope she can feel my love, even if it’s too late.

June 1995 – we started to notice bloodstains on her left upper dress. And we also noticed blood clots in the bathroom after she bathes. I tried asking her about it but she just kept mum and ignores every question we make.

December 1995 – she was noted for a cataract and my doc uncle scheduled an operation.

January 1996 – this is a Sunday and we’re supposed to go to the church but she asked me to call my surgeon cousin to meet us in the hospital. I thought it’s for the cataract extraction but I can feel the real reason for the immediate hospitalization.

At RMC, we were met by some doctors and examined her at the ER. I was so surprised to see her breast for the first time, covered with a lot of gauze and the nipple was already gone. That time I knew why the stains and the clots, and even the bunches of gauze and band-aids on our medicine cabinet.

I tried keeping my emotions. Especially when my cousin told me its breast cancer 4th stage.

An emergency mastectomy was scheduled and it will take place the following day. Family and friends went to comfort us and she was brought back to the room after 8 hours. Prior to her return, my cousin again talked to me that she was given 3 months to live. So I said, this is God’s plan and I’m accepting the fate we have.

After a week, we brought her home and I tried to spend more time with her. Every weekend, we go to the mall or restaurants to eat and on Sundays, we attend church service. But the fact that she could no longer play much on the piano made her despair a little.

We understood because she was the church pianist since she was 14 years old.

A month passed and I started hearing her thump her feet every morning. We didn’t know that it was the start of the numbness of her legs.

March – it was morning when she called my father, telling him she can’t feel anything on her legs. I felt scared, because as a nurse, I know what’s going through her already. But instead of seeing her cry, she just told us it’s part of God’s plan, most especially, she’s a diabetic.

From that day on, we let her use the wheelchair because I know she can no longer walk again. Days passed and we noticed her avoiding visitors. The only two friends she admits were Tita Virgie and Tita Edna. The former was her childhood friend and the latter was her best friend since college.

Every day, we bring her to the beach so we can bury her legs on the sand. It was an advice from medical experts since the coolness of the sand can relax the muscles. And she would joke saying, hey, is this how it feels to be buried?

I can see in my mom’s eyes that she’s not scared of death. She was even telling us she’s prepared to meet the Creator.

May – her birthday falls on the 16th so the whole family planned to give her a surprise party. We made the reservation at the beach. Before the day came, we told her the whole family would go on outing. So she excitedly asked to be dressed up so we can go early. She was shocked when she saw the whole family outside of the beach house and got even more surprised when she saw the big happy birthday banner at the dining area. I saw how happy she was. And I’m very glad that we were able to give her the best birthday party ever.

June – this month started when she’s already having incontinence. I tried my best to be patient because I know I can’t do anything to make her well. Financially, we’re getting drained. We have to sell some stocks and take all the money from the bank to survive. This was the hardest time in our life. I even decided to stop working so I can give her my care.

July – I did not celebrate my birthday because I know I won’t be happy. And I have to save the money for our every day needs. And this is also the time she cannot eat anymore. And so we have to feed her with Isocal already.

August – she’s getting weaker and weaker. She has blisters on her butt and we have to move her every two hours. I’m also getting very depressed and I hate myself for not being open to her. Most cancer victims cannot tolerate the pain but my mom can. In the silence of the night, you can’t even hear a moan or a cry of pain. She has the courage I did appreciate and the strength to fight the illness.

September – I don’t have the idea that death is nearing her. My niece and nephew celebrated their birthdays at McDonald’s and we’re supposed to bring her along but she opted to stay home. I brought her spaghetti and coke and I was surprised to see her eat like she was so hungry and she never showed any difficulty of swallowing the food. We’re expecting her full recovery but we were wrong.

Sept. 29 – 5am – I heard my mom breathing with a gurgling sound. I asked if she’s okay and she just looked up to me with a smile and said, I’m all right.

6am – my father called my attention when he noticed my mom’s nail bed’s turning bluish. I ran to her and she really was getting cyanotic. I immediately called the whole family especially my doc uncle and cousin to assist me. We rushed my mom to the hospital and in the car; I know she breathed her last.

6:20am – she was placed in a respirator and the doctors are planning if they can admit her in the ICU. But I did not give my consent because I know she’s already gone.

8:30am – she was declared dead after pulling out all the contraptions from her body. Although I know she can’t hear me anymore, but I gave her my thanks and for the last time, gave her my hug not minding that she’s no longer there.

The first time I saw my mom inside the coffin gave me the hard time to accept her death. For 26 years, I saw her as a responsible and hard working person. She was so dedicated to her work, both in school and in the church. Instead of spending the weekends at home, she attends the choir practice for the Sunday service.

People close to my mom always packed the wake. It’s like a reunion from old friends and former students in high school. I was so touched to know how close my mom was to her students and how they commend her for being a good friend as well.

During the interment, I saw more people came to pay for a last respect. The hearse passed by our house as a final goodbye to where my mom grew up. It was so emotional because we spent so many years together and sadder with her siblings because they have close ties.

I wish she were able to see Deedee. The family loves her because they have the same resemblance.

“And I know you’re shining down on me from heaven. Like the many friends we’ve lost along the way. And I know eventually we’ll be together, one sweet day. Patiently I’ll see you in heaven”.

galing ako sa rest day

galing ako sa rest days ko and tambak ang emails ko about sa pinagkakaguluhang quiz dito sa office. hay, mukhang na-addict na nga ang mga tao dito sa pahula sa mga sekreto nila. in fairness, nakakatuwa.

kagabi, napanood ko ang episode ng correspondents tungkol sa tsunami. siguro kung nasa thailand ka, di mo malalaman kung mandidiri ka o maiiyak ka sa mga nakalutang na mga bangkay at mga tinatapon sa iisang libingan. may isang babae na nabaliw na sa kakahanap sa kamag-anak nya. ang iba, isang linggo nang di nakakain kaya maintindihan mo kung bakit sila mag-aagawan sa rasyon na mga pagkain. takot na rin ang ibang mga taong lumapit sa dagat kasi baka bigla na namang magkaroon ng trahedya.

masuwerte tayo kasi walang masyadong nangyayari dito satin. ang nakakairita lang, ang pag-rally na naman ng mga supporters ni fpj. susme naman, sana papahingain na ang patay. wag na nilang bigyan ng problema ang nasa kabilang buhay na. makonsyensya naman kayo. mahirap lang kasi intindihin ang mga taong walang inatupag kundi ang magmarunong!

ayoko na mag-sungit. syanga pala, congrats sa team namin. nanalo kami sa HIP sa SA. galing natin, mga anak ni pam! proud ako sa team natin. hanep! di na tayo obrero hehehe.....

sa mga taong may galit ako, ipagdasal ko na lang kayo. kahit papano, nakakabasa pa rin ako ng bible araw-araw. :)

masama pa rin pakiramdam ko. mahirap talaga pag malapit na dumating ang monthly period kasi nagkakaron ng hormonal changes. di ko maiwasan magsungit. parang ayoko makipag-usap at di rin ako masyadong nakakatawa sa mga jokes kasi nga may topak ako. sana matapos na to. ayoko magsungit.

hapi ako and nagkita kami ni gina kanina. ilang weeks din kasi na di kami nagkita and nag-usap. hanggang email lang kami.

ewan ko ba, ayoko sa araw na to! buwisit! kagigil! arrrrrgggggghhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

wag nyo ko tanungin kung bakit! pls lang!!!!

sabi nila masungit daw ako ngaun. hmm siguro malapit na kasi dumating ang "bisita" kaya mejo wala sa mood. keri lang, mga friends. alam nyo namn na schizo ako di ba. minsan nakangiti, minsan naman nakasimangot. ganun talaga yata. pero may alam ako na tao na di ko talaga feel kausapin. ewan ko ba kung anong amoy meron sya na parang allergic ako sa kanya. ni hindi ko rin sya matingnan sa mata kasi baka masira lang lalo ang araw ko. oh, magtatanong na naman ang mga tao kung sino eto? hmmm sori, mga friends... can't tell kasi private eto hehehe.

iba kasi ako pag galit . pag makita ko na sincere sya makipag-ayos sa gulo namin, madali akong magpatawad. pero pag nakita ko na wala syang kuwentang kausap, sori na lang. kahit makita ko na nasa critical situation sya, ayoko tumulong. nangyari na to dati sa asawa ng pinsan ko. sobra nyang ginalit ang pamilya namin lalo ang tita and mommy ko, nung time na may emergency, hindi ako tumulong. buti buhay pa sya hanggang nayon.

masama ba ugali ko? di ko alam. kung nagpatawad ang Diyos sa kasalanan ng tao, dapat gawin din ng tao sa kapwa nya di ba. pwede ako magpatawad pero mahirap ko makalimutan ang nagawa ng tao sakin.

ewan ko ba. natandaan ko kasi ang sabi ng mommy ko, pag ayaw ng tao sayo wag mo ipilit sarili mo. tumatak to sa utak ko. swerte talaga ng tao pag kaibigan ko sya. sori na lang sa mga ayaw ko. masama man ako sa tingin ng iba, pero kahit nasa emergency ka na, wag ka umasa na tutulungan kita. ipagdasal ko na lang na mapatawad ako sa ugali ko.

to whom it may concern,

sana mapatawad ka rin ng mga taong minaliit mo !

first impressions

1. arlene bitch
bitch nga sya. mataray. narcissist. as in sobrang mahal nya ang sarili nya kasi maganda sya. kung di pa sya nalipat sa AM, di kami maging close. ganda, never ko makakalimutan ang pagtataray na ginawa mo sakin. wag ka mag-deny. alam ko di mo rin pwede makalimutan yun.

2. leo girl
nung nag-barge kami sa kanya, impressed ako kasi nagli-lipstick sya habang may call. galing mo talaga, girl. remember ko sabi mo sakin, one day, magagawa nyo rin mga gusto nyo gawin habang may call. tama ka, girl. kaya natin mag-tumbling kahit may call.

3. gina
kagalang-galang. santa. isang alagad ng simbahan. di nyo pwede kunin ang sunday sa kanya kasi may kanta sya sa church. laging may practice sa choir. pero wonder twins kami. marami kaming parehong pangyayari sa buhay. ewan ko ba pero siguro naging magkapatid tayo sa past life natin.

4. detdet
tahimik. parang di pwedeng kausapin. bestfriend ni ronah. pero pag nakilala mo sya, sweet sya. malambing. happy ako kasi nasasabi nya sakin ang nangyayari sa buhay nya.

5. love
kagalang-galang. isang tunay na pilipina. simbolo ng tunay na babae. palaban. kayang ipagtanggol ang sarili sa kagipitan. mapagmahal. mapagunawa. mapag-....... mapag-........ . pero eto ung kaibigan na pag nag-advice, kahit di seryoso, seryosohin mo na lang. hehehe.

may kasunod pa to. nag-iisip pa ko ng pwedeng isulat.


salamat sa mga comments nyo at ako'y natutuwa at may napulot akong aral. re sa taong kinaiinisan ko? wala na un. di ko na lang pinapansin ang ugali nya. eh sa talagang ganun sya, may magagawa ba ako. ayoko na lang mag-comment at baka lalo lang ako magalit sa kanya.

walang masyadong nangyari sa rest day ko. nakita ko lang si pia hontiveros and precious hipolito sa vise versa sa gamol. ngiti ako kasi di naman pala sila katangkaran.. baduy ko!

ayoko na maging irate.. gawin ko na lang, iwas sa mga ayaw ko katabi.

pinay psycho, sana matupad mo ang mga new year's resolution mo.. determination lang kelangan jan. pero kahit di ka na magpa-conscious sa diet mo, walang tatalo sa alindog mo!

basta ako, happy na naririnig ko ang pagkanta ng anak ko. mana sakin! (lakas ng hangin!)..

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60