mga kuwentong lamay

ayoko sana mag-comment tungkol sa lamay na napuntahan ko lately kaya lang di ko maiwasan. may mga characters duon na para sakin, nakakaaliw.

1. rigor mortis - medical term ito sa bangkay na naninigas na talaga. isabg bata to sa lamay. aba nagulat ako, natutulog sya sa sofa at parang naninigas ang katawan. straight na straight at parang nakatingala pa ang ulo nya. hanu ba yan? gusto ko sya gisingin para itanong ng " bata, buhay ka pa ba? ".. hehehe. joke. at take note, gusto nya nakalabas ang panty pag tulog.baka daw naiinitan.. sabi ng kuya nya, " buti na lang, soen panty nya ". hmmm ano kaya meron ang soen at ok lang makita ang parteng yun?

2. the mummy - kapitbahay ito. retarded. maitim pero naka-silver na belt. at hanep sa porma! mahilig sya sa orange na tshirt. nakita ko sya pano matulog. nakatagilid. ang kaliwang kamay nasa kaliwang pisngi. nakabaluktot. hmm itsura ng inca na nahukay sa isang kuweba. parang bigla kong gusto mag-alay ng kandila at mag-ritual hehehe.

3. si dungis - ito ang bata na daig pa ang batang palaboy sa dumi. 2 beses lang yata sa isang linggo kung maligo. pabalik-balik pa sya sa mesa para kumuha ng pagkain. kung di mo lang alam na relative ito, malamang pinagtabuyan mo na to at sabihan " bawal ang magpalimos dito ". naligo nga sya kahapon pero parang wala lang nangyari. mahiya na lang ang tubig na ibuhos dito.
sensya na sa panlalait. di ko lang maiwasan punahin. naaaliw lang ako.

pahabol : may mga pamahiin duon na ngayon ko lang nalaman.

1. pag may humatsing, pipingutin agad ang tenga. para daw hindi dadalawin ng patay. hello? eh kaya nga humahatsing ang tao kasi may nakapasok na virus sa katawan. pangontra ito para mailabas ang mikrobyo. kaya marami na ang nagka-sipon sa kakapigil sa paghatsing.

2. hindi pwede humabol sa burol - balak ko kasi sana humabol na lang kasi ala-2 ang libing eh ala-1 ang labas ko. kasi pag daw, baka may humabol din na susunod na mamamatay. hirit tuloy ng isang matanda sakin, " maawa ka naman sakin. di pa ko handa ". hala, di ko alam kung nagpapatawa sya o talagang takot lng.

3. hindi daw pwede ihatid ang bisita pag uuwi na. kung pwede hanggang pinto na lang sana. kung bakit, di ko alam.

4. eto pa, pag may magbigay daw ng abuloy after ng libing, bawal na daw tanggapin. huh? ewan ko san galing ang pamahiin na to pero sayang naman kung di tatanggapin kasi pera yan eh.

hayy, kung tutuusin, robot na ang nagpapalakad sa ibang nasyon ngayon. nakarating na ang tao sa buwan. at wala na rin si maria clara para maging konserbatiba tayo. okey, irespeto ang pamahiin pero sana man lang, mag-isip din tayo kung talaga bang makakaapekto to satin. kasi para sakin, kathang isip lang to.

1 comments:

  Choleng

12:10 AM

Di ka masyadong manlait!!!

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60