FIRST IMPRESSION PART 2

1. shey
first time namin sya nakita sa nho namin. bagong sup daw. pagpasok namin sa conference rm, nagulat kami kasi akala namin american sya. todo english pa kami para ma-impress sya.. aba susme, biglang nag-tagalog! hehehe buti naman para di kami masabak sa todong ingglisan. mabait to. the best na kaibigan.. di bola to ha... from the heart ito :) ... cute ng baby nya. hapi ako kasi suot ng kiddo ang binigay ko na bracelet sa birthday ng anak ni mia. and thankful ako kasi nasi-share nya samin ang kuwento ng buhay nya.

2. tyang mario
una ko syang nakilala nung time na merong pa-contest for the best retro attire sa floor. nanalo sya. and nakita ko sya nung kinukunan nya ng shot ang floor kasi nag-aaral sya ng photography. mas lalo ko syang nakilala nung magkatabi na kami ng stations. pero isa kang masayahing tao. kahit binibiro ka na sa floor, di ka nagagalit. at eto ha, kahit na-rape ka na, ang nasabi mo sakin pagdating mo "uy, bakla, na-rape ako!".. sa totoo lang, di ko alam kung magulat ako o matawa. pero tyang, salamat at napapasaya mo kami sa mga kuwento mo. pero hinay-hinay lang sa mga jowa mo. isipin mo ang bulsa at cellphone mo ok :)

3. agnes
mahilig sa libro.. sa mga hollywood news... at di ko alam kung mahilig ka pa rin sa ridges at dingdong. pero alam ko, isa kang seryosong tao. gusto ko ring binabasa ang blog mo kasi medyo may natutunan akong mahalaga sa buhay-buhay hehehe... sooooo-cial etong friend ko kasi halos lahat ng sosyal na kainan at pagkain, alam nya. soooo-cial ka talaga. pero like kita, friend, kasi totoo ka sa mga sinasabi mo. lately ko lang pala napansin, may common trait tayo. ang ayaw ko, ayaw mo rin. gets?

4. karla
excellent erep... irate erep din hehehe... parang walang araw na di sya galit sa customer. first time namin sya nakasama sa floor, lagi sya sinasaway kasi nagpapatugtog sya ng rock music na sobrang lakas. di ko alam kung trip nya o nagti-tripping sya hehehe. joke! pero pag makilala mo sya, mabait sya. wag mo lang syang galitin, kung ayaw mong makakita ng nalulukot na mukha sa harap mo :)

5. jo-anne
british accent ito. galing ng uae. dentistry student ng ue. dati tinuruan nya ko pagsulat ng arabic pero di kinaya ng powers ko! mahirap intindihin! na-test namin ang tagalog nya. pinasabi namin sya ng "balahura". eto ang version nya.."baelahowra".. pero at least natututo na sya.

6. jane t.
kumare ko kay joaquin. nung nalaman ko na pareho kaming nurse, nagka-bonding kami. malambing na tao to. lagi nya ko text para itanong kung may sueldo na. to think, mare, standard ka at lagi una ang sueldo mo sakin :( .. pero panalo ka, mare, kasi naging last name mo na ang after call. kahit dati pa, tatak mo na talaga yan. pero keri lang, kasi pag mawala na ang after call sa buhay mo, di ka na si jane tabuzo.. di ba? :)

katulad din ng dati, may kasunod din to..

0 comments:

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60