fears and insecurities

paranoid ako lately. di ko alam kung kelan maaalis sakin to. bakit? basta. mahirap talaga pag di ka "normal". parang di mo sure kung ang taong mahal mo eh tatagal ba sa yo. at kung hanggang sa pagtanda nyo, kau pa rin kaya. isa pa, takot ako na baka Diyos na ang gumawa ng paraan para ituwid ang buhay ng partner ko ngaun. sana wag na maulit ang nangyari dati. sa isang iglap, bigla akong iniwan ng taong minahal ko ng 2 taon. at bigla nya rin sinabi sakin na dapat magbago na ko dahil di tatanggapin sa langit ang klase ng relasyon meron kami. nagtaka lang ako kasi nung umaga ng araw na sinabi nya sakin yun, nagbabalak pa syang dalhin ako sa Florida pag sakaling maka-alis na sya. tapos sasabihan nya ko na magbago ako. takot ako kasi parang lagi na lang akong iniiwanan. nawala ang mommy ko tapos bigla ring nawala sakin ang tatay ko kasi may pangalawang pamilya na sya.

ayoko ng ganitong pakiramdam. minsan, nahihirapan ako matulog at nagkakaroon pa ko ng masasamang panaginip. at pagnagti-text si amy at di nya pinapabasa sakin kung sino, nawiwindang ang utak ko. sana lang matapos nato kasi mahirap maging praning.

pero, di ako nasisiraan ng bait. kahit nagkaka-mood swings ako, normal pa rin ang pag-iisip ko.
lumalabas lang din siguro ang insecurities ko. palibhasa, sanay ako na pinakabunso ako samin kaya lahat ng atensyon, nabibigay sakin. ayokong naiiwan. takot ako. sana lang maintindihan ni God na sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya sa pagbigay nya sakin kay amy. kahit sa tingin ng tao, bawal pero wala akong pakialam. kasi alam ko, blessing sya sakin at happy ako na sya ang kasama ko.

fears na man lang ang pag-uusapan, di ko talaga alam bakit sobra ang takot ko sa bulate. lalo ung mapupula at matataba na gumagapang sa lupa. kahit nung maliit pa ko, makakita lang ako kahit isa lang, parang tumatayo buhok ko sa takot. pabasahin mo na lang ako ng ghost stories at papanoodin ng horror films, wag lang akong takutin ng bulate at baka magwala lang ako. nung lunes nga, nanood ako ng fear factor. ang challenge, pinakain ang contestants ng mga buhay na bulate na nasa pinggan. ewan ko, di ko napigilan ang sarili ko di manood kasi parang curious ako. kelangan ko pa kumagat ng unan para lang di ako mag-react. nakita ko ang 2 babae, nasusuka na sa kinain nila pero ang lalaki, para lang syang kumakain ng spaghetti.arrrgggghhhh! tama na to. ayoko na. sumasakit ang ulo ko!

1 comments:

  Bohemian Angst

1:08 AM

alam mo, nasa sayo naman yan kung iisipin mo na makasalanan ang pagsasama nyong dalawa ni amy. Ako, I don't consider living with my present bf as a sin. sa mata ng ibang tao siguro pero come to think of it judgmental naman talaga ang present society natin. Malisyoso pa nga eh. Tungkol sa pagka-paranoid mo, I can relate. Ganyan si ray sakin minsan, doubtful kung may ka-text ako or kung may mini-meet akong iba. I think it's only natural to feel that way pero wag naman sana sumobra. One thing I value the most in a relationship is the ability to trust your partner, despite the doubts and insecurities. Ang haba ng comment ko no? chos!

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60