setting free

wala lang akong masyadong maisip. dumating na ang mga newbies. ang dami nila. pero keri lang. kahit kulang ang stations, masaya pa rin.

susulat ako sa best friend ko sa bacolod. matagal na kaming di nakapag-usap. 3 years na yata. at ngayon lang kami ulit nag-communicate.

maraming issue sa utak ko ngaun pero sori, sakin na lang muna to kasi ayoko may maaapakan. para sakin kasi, isa syang langgam. hehehe aapakan talaga.

eto na lang.. may kakilala akong problemado sa lovelife. 4 years na sila ng bf nya at sobrang trust sya sa lalake. med student ang bf at sya naman nasa call center nagwo-work. sa pag-aakala na sobrang mahal sya ng guy, hinahayaan nya lang ang time nito kasi student pa and as a med student, maraming projects sa school. ang di nya alam, matagal na palang may ibang gf ang lalake. at classmate pa ang "other girl". almost 1 year na syang niloloko and ngayon nya lang na-diskubre. kung di pa nya nahalungkat ang mga gamit ng bf nya, wala syang malalaman. sinumbatan nya ang guy at umamin sa kasalanan. rason ng bf, napilitan lang sya kasi ang girl naman ang humahabol. and mayaman ang girl para gastusan sya lagi. sinabihan ko ang friend ko na hiwalayan na nya kasi talo sya at araw-araw magkakasama ang dalawa. pero ayaw nya. mahal nya ang lalake. and tinawagan pa nya ang girl para makipag-settle sa time nila sa guy.

di ko alam kung katangahan ang naging desisyon ng kaibigan ko. matanda na sya para malaman nya ang tama at kung ano ang dapat gawin.

"they say if you love someone, then set him free.
if he comes back again, then in the end, it was meant to be."

fears and insecurities

paranoid ako lately. di ko alam kung kelan maaalis sakin to. bakit? basta. mahirap talaga pag di ka "normal". parang di mo sure kung ang taong mahal mo eh tatagal ba sa yo. at kung hanggang sa pagtanda nyo, kau pa rin kaya. isa pa, takot ako na baka Diyos na ang gumawa ng paraan para ituwid ang buhay ng partner ko ngaun. sana wag na maulit ang nangyari dati. sa isang iglap, bigla akong iniwan ng taong minahal ko ng 2 taon. at bigla nya rin sinabi sakin na dapat magbago na ko dahil di tatanggapin sa langit ang klase ng relasyon meron kami. nagtaka lang ako kasi nung umaga ng araw na sinabi nya sakin yun, nagbabalak pa syang dalhin ako sa Florida pag sakaling maka-alis na sya. tapos sasabihan nya ko na magbago ako. takot ako kasi parang lagi na lang akong iniiwanan. nawala ang mommy ko tapos bigla ring nawala sakin ang tatay ko kasi may pangalawang pamilya na sya.

ayoko ng ganitong pakiramdam. minsan, nahihirapan ako matulog at nagkakaroon pa ko ng masasamang panaginip. at pagnagti-text si amy at di nya pinapabasa sakin kung sino, nawiwindang ang utak ko. sana lang matapos nato kasi mahirap maging praning.

pero, di ako nasisiraan ng bait. kahit nagkaka-mood swings ako, normal pa rin ang pag-iisip ko.
lumalabas lang din siguro ang insecurities ko. palibhasa, sanay ako na pinakabunso ako samin kaya lahat ng atensyon, nabibigay sakin. ayokong naiiwan. takot ako. sana lang maintindihan ni God na sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya sa pagbigay nya sakin kay amy. kahit sa tingin ng tao, bawal pero wala akong pakialam. kasi alam ko, blessing sya sakin at happy ako na sya ang kasama ko.

fears na man lang ang pag-uusapan, di ko talaga alam bakit sobra ang takot ko sa bulate. lalo ung mapupula at matataba na gumagapang sa lupa. kahit nung maliit pa ko, makakita lang ako kahit isa lang, parang tumatayo buhok ko sa takot. pabasahin mo na lang ako ng ghost stories at papanoodin ng horror films, wag lang akong takutin ng bulate at baka magwala lang ako. nung lunes nga, nanood ako ng fear factor. ang challenge, pinakain ang contestants ng mga buhay na bulate na nasa pinggan. ewan ko, di ko napigilan ang sarili ko di manood kasi parang curious ako. kelangan ko pa kumagat ng unan para lang di ako mag-react. nakita ko ang 2 babae, nasusuka na sa kinain nila pero ang lalaki, para lang syang kumakain ng spaghetti.arrrgggghhhh! tama na to. ayoko na. sumasakit ang ulo ko!

may nakapagsabi na dumating ka na daw galing saudi. inaantay ko na magti-text ka o tatawag ka kasi di ba nagbanta ka na papatayin mo ko pagdating mo. eh, nasan ka na? wala na naman akong narinig sayo. inaantay ko rin na tatawag ka at manunumbat ka na naman pero wala eh. ewan ko ba? bakla ka nga talaga yata o baka umuurong lang talaga ang buntot mo?? mahirap talaga makipag-away sa taong matapang lang pag kaharap ka. wag ka mag-alala.. lahat ng text messages mo, di ko dinelete. at gusto ko harapin mo ko at sabihin mo sakin lahat ng gusto mo sabihin. hindi yung, kung kelan wala ako o nakatalikod na ko, tsaka ka magdadakdak na ang sama-sama ko! putang ina ka! magsama kayo ng asawa mong hambog! teacher ng roosevelt???? sa totoo lang, hindi ko alam bakit parang pinagyayabang ng asawa mo ang pagtuturo sa eskwelahan na yan na parang, ang tinuturuan nya, anak ng mga hari at reyna!!! at sori, ni hindi ko alam kung ano ang ka-level ng school na yan. (pasensya sa mga taga-roosevelt ). eto pa ha, sinabi ko sa pamilya mo na pagdating na pagdating mo, dapt ipapaalam na agad sakin na dumating ka na. eh, wala pa rin.

anak ng hinayupak! hoy, bago mo ko laitin, tingnan mo rin ang pamilya mo! ako lang ba ang may kademonyuhang nagawa?? ako, kahit di nagsisimba, humihingi ako ng tawad sa Diyos. pero ikaw, may pakanta-kanta ka pa at pa-donate donate ka pa sa simbahan nyo! alam ba ng pastor nyo ang KALINISAN mo???

aantayin kita, demonyo! didemonyohin ko lalo buhay mo!

sa mga makakabasa, ok na ako. ganyan lang talaga ang schizo. nagwawala lang ang "alter" ko. :)
ooppsss, pasensya at nagwawala ulit ang alter ko. may nagrereklamo na nawawala daw ang upuan nya. akala daw nya, head set lang ang NINANAKAW. sana daw pati computer idamay na ! ateng, mejo foul na yang sinasabi mo na PAGNANAKAW di ba? kung ikaw kaya sabihan ng ganyan, ok lang sayo? at isa pa, nagtatrabaho tayo sa iisang kumpanya, bat kelangan maglamangan pa tayo? insecure ka yata eh! wag mo hamunin ang mga tao dito kasi baka magsisi ka. at ano sabi ng kasama mo? wala naman kaming sale? bakit, ikaw ba meron lagi? punyeta kayong dalawa! at ano din pala sabi mo, ha, di kami tinatablan kahit nagpaparinig ka na? at bakit kami tatablan? guilty ba kami? punyeta ka, walang magnanakaw dito samin! baka ikaw ang magnanakaw.. KASI ANG MAGNANAKAW, GALIT SA KAPWA MAGNANAKAW! hindi ibig sabihin na kesyo palipat-lipat kami ng building, eh mamaliitin mo na ang tingin samin.

oh, okey na ulit ako.. wala na ang alter ko... smile na tayo ha :)

FIRST IMPRESSION PART 2

1. shey
first time namin sya nakita sa nho namin. bagong sup daw. pagpasok namin sa conference rm, nagulat kami kasi akala namin american sya. todo english pa kami para ma-impress sya.. aba susme, biglang nag-tagalog! hehehe buti naman para di kami masabak sa todong ingglisan. mabait to. the best na kaibigan.. di bola to ha... from the heart ito :) ... cute ng baby nya. hapi ako kasi suot ng kiddo ang binigay ko na bracelet sa birthday ng anak ni mia. and thankful ako kasi nasi-share nya samin ang kuwento ng buhay nya.

2. tyang mario
una ko syang nakilala nung time na merong pa-contest for the best retro attire sa floor. nanalo sya. and nakita ko sya nung kinukunan nya ng shot ang floor kasi nag-aaral sya ng photography. mas lalo ko syang nakilala nung magkatabi na kami ng stations. pero isa kang masayahing tao. kahit binibiro ka na sa floor, di ka nagagalit. at eto ha, kahit na-rape ka na, ang nasabi mo sakin pagdating mo "uy, bakla, na-rape ako!".. sa totoo lang, di ko alam kung magulat ako o matawa. pero tyang, salamat at napapasaya mo kami sa mga kuwento mo. pero hinay-hinay lang sa mga jowa mo. isipin mo ang bulsa at cellphone mo ok :)

3. agnes
mahilig sa libro.. sa mga hollywood news... at di ko alam kung mahilig ka pa rin sa ridges at dingdong. pero alam ko, isa kang seryosong tao. gusto ko ring binabasa ang blog mo kasi medyo may natutunan akong mahalaga sa buhay-buhay hehehe... sooooo-cial etong friend ko kasi halos lahat ng sosyal na kainan at pagkain, alam nya. soooo-cial ka talaga. pero like kita, friend, kasi totoo ka sa mga sinasabi mo. lately ko lang pala napansin, may common trait tayo. ang ayaw ko, ayaw mo rin. gets?

4. karla
excellent erep... irate erep din hehehe... parang walang araw na di sya galit sa customer. first time namin sya nakasama sa floor, lagi sya sinasaway kasi nagpapatugtog sya ng rock music na sobrang lakas. di ko alam kung trip nya o nagti-tripping sya hehehe. joke! pero pag makilala mo sya, mabait sya. wag mo lang syang galitin, kung ayaw mong makakita ng nalulukot na mukha sa harap mo :)

5. jo-anne
british accent ito. galing ng uae. dentistry student ng ue. dati tinuruan nya ko pagsulat ng arabic pero di kinaya ng powers ko! mahirap intindihin! na-test namin ang tagalog nya. pinasabi namin sya ng "balahura". eto ang version nya.."baelahowra".. pero at least natututo na sya.

6. jane t.
kumare ko kay joaquin. nung nalaman ko na pareho kaming nurse, nagka-bonding kami. malambing na tao to. lagi nya ko text para itanong kung may sueldo na. to think, mare, standard ka at lagi una ang sueldo mo sakin :( .. pero panalo ka, mare, kasi naging last name mo na ang after call. kahit dati pa, tatak mo na talaga yan. pero keri lang, kasi pag mawala na ang after call sa buhay mo, di ka na si jane tabuzo.. di ba? :)

katulad din ng dati, may kasunod din to..

FREE MOVERS PROGRAM

lipat na naman kami dito sa JG. this is the first of this year. last year, 5 times kami naglipat ng building. naalala ko ang first live exposure sa floor. nung dumating kami, walang sup kaya windang kami. buti na lang, andun si lod na sup ng nsi at tinulungan kami. ang nasa am, nasa jg tapos ang gy, nasa philam. pinalipat kami sa philam a month after so nakakasama na namin ang gy and meron na ring bagong batch dun. months after, pinalipat kami sa export bank. mejo ok na sana dun kasi mas accessible ang sasakyan sakin. tapos na-inform na naman kami na lipat ulit sa jg. para kaming nomad na nagba-bayanihan na naman. keri pa rin kasi wala kaming magagawa. ok na lang din kasi nakita namin ulit ang ibang ka-batch namin na nasa ibang account. naalala ko pa na tinarayan ako ng isang batch.. sabi ko sa kanya, "hi, we're batch mates.remember me?". super smile pa ko kasi ako na ang nag-magandang loob na bumati sa kanya. pero sinagot ako ng "i don't think so!".. aba, ineng, windang ako sa sagot mo! regret ako na nagpaka-plastic ako sayo! nyeta ka! sana dumami ang kuba mo sa likod!
anyway, ininform na naman kami na lilipat na naman pabalik sa export. di na talaga kaya ng powers namin. pero ok na rin kasi mas ok sa transpo ko ang place. and hapi kami kasi nag-open ang jollibee and chowking sa baba. well, after namin i-enjoy ang stay sa export, balik jg na naman kami. and di namin alam kung kelan and saan na naman ang next venue namin. wish ko lang, sa PS building na talaga.

hayyyy, siguro nga, dapat sanay na kami sa palipat-lipat ng tirahan. eto na talaga ang totoong FREE MOVERS PROGRAM! sobra lang talaga kaming bonded sa satellite account namin.. di ba, mga kapatid?

but this is the best account para sakin... masaya dito! sobra! :)

"A TRIBUTE "

FELICIDAD ESTACION LIBO-ON: my mom, a woman of courage, a servant of God.
The death of my mom was the most tragic event in my life. Truth is, I’m not that very close to her. To me, she was just a typical mom, a provider, and the reason I was born in this world.

It’s a regret I was not very thankful for her love and her care. I hope she can feel my love, even if it’s too late.

June 1995 – we started to notice bloodstains on her left upper dress. And we also noticed blood clots in the bathroom after she bathes. I tried asking her about it but she just kept mum and ignores every question we make.

December 1995 – she was noted for a cataract and my doc uncle scheduled an operation.

January 1996 – this is a Sunday and we’re supposed to go to the church but she asked me to call my surgeon cousin to meet us in the hospital. I thought it’s for the cataract extraction but I can feel the real reason for the immediate hospitalization.

At RMC, we were met by some doctors and examined her at the ER. I was so surprised to see her breast for the first time, covered with a lot of gauze and the nipple was already gone. That time I knew why the stains and the clots, and even the bunches of gauze and band-aids on our medicine cabinet.

I tried keeping my emotions. Especially when my cousin told me its breast cancer 4th stage.

An emergency mastectomy was scheduled and it will take place the following day. Family and friends went to comfort us and she was brought back to the room after 8 hours. Prior to her return, my cousin again talked to me that she was given 3 months to live. So I said, this is God’s plan and I’m accepting the fate we have.

After a week, we brought her home and I tried to spend more time with her. Every weekend, we go to the mall or restaurants to eat and on Sundays, we attend church service. But the fact that she could no longer play much on the piano made her despair a little.

We understood because she was the church pianist since she was 14 years old.

A month passed and I started hearing her thump her feet every morning. We didn’t know that it was the start of the numbness of her legs.

March – it was morning when she called my father, telling him she can’t feel anything on her legs. I felt scared, because as a nurse, I know what’s going through her already. But instead of seeing her cry, she just told us it’s part of God’s plan, most especially, she’s a diabetic.

From that day on, we let her use the wheelchair because I know she can no longer walk again. Days passed and we noticed her avoiding visitors. The only two friends she admits were Tita Virgie and Tita Edna. The former was her childhood friend and the latter was her best friend since college.

Every day, we bring her to the beach so we can bury her legs on the sand. It was an advice from medical experts since the coolness of the sand can relax the muscles. And she would joke saying, hey, is this how it feels to be buried?

I can see in my mom’s eyes that she’s not scared of death. She was even telling us she’s prepared to meet the Creator.

May – her birthday falls on the 16th so the whole family planned to give her a surprise party. We made the reservation at the beach. Before the day came, we told her the whole family would go on outing. So she excitedly asked to be dressed up so we can go early. She was shocked when she saw the whole family outside of the beach house and got even more surprised when she saw the big happy birthday banner at the dining area. I saw how happy she was. And I’m very glad that we were able to give her the best birthday party ever.

June – this month started when she’s already having incontinence. I tried my best to be patient because I know I can’t do anything to make her well. Financially, we’re getting drained. We have to sell some stocks and take all the money from the bank to survive. This was the hardest time in our life. I even decided to stop working so I can give her my care.

July – I did not celebrate my birthday because I know I won’t be happy. And I have to save the money for our every day needs. And this is also the time she cannot eat anymore. And so we have to feed her with Isocal already.

August – she’s getting weaker and weaker. She has blisters on her butt and we have to move her every two hours. I’m also getting very depressed and I hate myself for not being open to her. Most cancer victims cannot tolerate the pain but my mom can. In the silence of the night, you can’t even hear a moan or a cry of pain. She has the courage I did appreciate and the strength to fight the illness.

September – I don’t have the idea that death is nearing her. My niece and nephew celebrated their birthdays at McDonald’s and we’re supposed to bring her along but she opted to stay home. I brought her spaghetti and coke and I was surprised to see her eat like she was so hungry and she never showed any difficulty of swallowing the food. We’re expecting her full recovery but we were wrong.

Sept. 29 – 5am – I heard my mom breathing with a gurgling sound. I asked if she’s okay and she just looked up to me with a smile and said, I’m all right.

6am – my father called my attention when he noticed my mom’s nail bed’s turning bluish. I ran to her and she really was getting cyanotic. I immediately called the whole family especially my doc uncle and cousin to assist me. We rushed my mom to the hospital and in the car; I know she breathed her last.

6:20am – she was placed in a respirator and the doctors are planning if they can admit her in the ICU. But I did not give my consent because I know she’s already gone.

8:30am – she was declared dead after pulling out all the contraptions from her body. Although I know she can’t hear me anymore, but I gave her my thanks and for the last time, gave her my hug not minding that she’s no longer there.

The first time I saw my mom inside the coffin gave me the hard time to accept her death. For 26 years, I saw her as a responsible and hard working person. She was so dedicated to her work, both in school and in the church. Instead of spending the weekends at home, she attends the choir practice for the Sunday service.

People close to my mom always packed the wake. It’s like a reunion from old friends and former students in high school. I was so touched to know how close my mom was to her students and how they commend her for being a good friend as well.

During the interment, I saw more people came to pay for a last respect. The hearse passed by our house as a final goodbye to where my mom grew up. It was so emotional because we spent so many years together and sadder with her siblings because they have close ties.

I wish she were able to see Deedee. The family loves her because they have the same resemblance.

“And I know you’re shining down on me from heaven. Like the many friends we’ve lost along the way. And I know eventually we’ll be together, one sweet day. Patiently I’ll see you in heaven”.

galing ako sa rest day

galing ako sa rest days ko and tambak ang emails ko about sa pinagkakaguluhang quiz dito sa office. hay, mukhang na-addict na nga ang mga tao dito sa pahula sa mga sekreto nila. in fairness, nakakatuwa.

kagabi, napanood ko ang episode ng correspondents tungkol sa tsunami. siguro kung nasa thailand ka, di mo malalaman kung mandidiri ka o maiiyak ka sa mga nakalutang na mga bangkay at mga tinatapon sa iisang libingan. may isang babae na nabaliw na sa kakahanap sa kamag-anak nya. ang iba, isang linggo nang di nakakain kaya maintindihan mo kung bakit sila mag-aagawan sa rasyon na mga pagkain. takot na rin ang ibang mga taong lumapit sa dagat kasi baka bigla na namang magkaroon ng trahedya.

masuwerte tayo kasi walang masyadong nangyayari dito satin. ang nakakairita lang, ang pag-rally na naman ng mga supporters ni fpj. susme naman, sana papahingain na ang patay. wag na nilang bigyan ng problema ang nasa kabilang buhay na. makonsyensya naman kayo. mahirap lang kasi intindihin ang mga taong walang inatupag kundi ang magmarunong!

ayoko na mag-sungit. syanga pala, congrats sa team namin. nanalo kami sa HIP sa SA. galing natin, mga anak ni pam! proud ako sa team natin. hanep! di na tayo obrero hehehe.....

sa mga taong may galit ako, ipagdasal ko na lang kayo. kahit papano, nakakabasa pa rin ako ng bible araw-araw. :)

masama pa rin pakiramdam ko. mahirap talaga pag malapit na dumating ang monthly period kasi nagkakaron ng hormonal changes. di ko maiwasan magsungit. parang ayoko makipag-usap at di rin ako masyadong nakakatawa sa mga jokes kasi nga may topak ako. sana matapos na to. ayoko magsungit.

hapi ako and nagkita kami ni gina kanina. ilang weeks din kasi na di kami nagkita and nag-usap. hanggang email lang kami.

ewan ko ba, ayoko sa araw na to! buwisit! kagigil! arrrrrgggggghhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

wag nyo ko tanungin kung bakit! pls lang!!!!

sabi nila masungit daw ako ngaun. hmm siguro malapit na kasi dumating ang "bisita" kaya mejo wala sa mood. keri lang, mga friends. alam nyo namn na schizo ako di ba. minsan nakangiti, minsan naman nakasimangot. ganun talaga yata. pero may alam ako na tao na di ko talaga feel kausapin. ewan ko ba kung anong amoy meron sya na parang allergic ako sa kanya. ni hindi ko rin sya matingnan sa mata kasi baka masira lang lalo ang araw ko. oh, magtatanong na naman ang mga tao kung sino eto? hmmm sori, mga friends... can't tell kasi private eto hehehe.

iba kasi ako pag galit . pag makita ko na sincere sya makipag-ayos sa gulo namin, madali akong magpatawad. pero pag nakita ko na wala syang kuwentang kausap, sori na lang. kahit makita ko na nasa critical situation sya, ayoko tumulong. nangyari na to dati sa asawa ng pinsan ko. sobra nyang ginalit ang pamilya namin lalo ang tita and mommy ko, nung time na may emergency, hindi ako tumulong. buti buhay pa sya hanggang nayon.

masama ba ugali ko? di ko alam. kung nagpatawad ang Diyos sa kasalanan ng tao, dapat gawin din ng tao sa kapwa nya di ba. pwede ako magpatawad pero mahirap ko makalimutan ang nagawa ng tao sakin.

ewan ko ba. natandaan ko kasi ang sabi ng mommy ko, pag ayaw ng tao sayo wag mo ipilit sarili mo. tumatak to sa utak ko. swerte talaga ng tao pag kaibigan ko sya. sori na lang sa mga ayaw ko. masama man ako sa tingin ng iba, pero kahit nasa emergency ka na, wag ka umasa na tutulungan kita. ipagdasal ko na lang na mapatawad ako sa ugali ko.

to whom it may concern,

sana mapatawad ka rin ng mga taong minaliit mo !

first impressions

1. arlene bitch
bitch nga sya. mataray. narcissist. as in sobrang mahal nya ang sarili nya kasi maganda sya. kung di pa sya nalipat sa AM, di kami maging close. ganda, never ko makakalimutan ang pagtataray na ginawa mo sakin. wag ka mag-deny. alam ko di mo rin pwede makalimutan yun.

2. leo girl
nung nag-barge kami sa kanya, impressed ako kasi nagli-lipstick sya habang may call. galing mo talaga, girl. remember ko sabi mo sakin, one day, magagawa nyo rin mga gusto nyo gawin habang may call. tama ka, girl. kaya natin mag-tumbling kahit may call.

3. gina
kagalang-galang. santa. isang alagad ng simbahan. di nyo pwede kunin ang sunday sa kanya kasi may kanta sya sa church. laging may practice sa choir. pero wonder twins kami. marami kaming parehong pangyayari sa buhay. ewan ko ba pero siguro naging magkapatid tayo sa past life natin.

4. detdet
tahimik. parang di pwedeng kausapin. bestfriend ni ronah. pero pag nakilala mo sya, sweet sya. malambing. happy ako kasi nasasabi nya sakin ang nangyayari sa buhay nya.

5. love
kagalang-galang. isang tunay na pilipina. simbolo ng tunay na babae. palaban. kayang ipagtanggol ang sarili sa kagipitan. mapagmahal. mapagunawa. mapag-....... mapag-........ . pero eto ung kaibigan na pag nag-advice, kahit di seryoso, seryosohin mo na lang. hehehe.

may kasunod pa to. nag-iisip pa ko ng pwedeng isulat.


salamat sa mga comments nyo at ako'y natutuwa at may napulot akong aral. re sa taong kinaiinisan ko? wala na un. di ko na lang pinapansin ang ugali nya. eh sa talagang ganun sya, may magagawa ba ako. ayoko na lang mag-comment at baka lalo lang ako magalit sa kanya.

walang masyadong nangyari sa rest day ko. nakita ko lang si pia hontiveros and precious hipolito sa vise versa sa gamol. ngiti ako kasi di naman pala sila katangkaran.. baduy ko!

ayoko na maging irate.. gawin ko na lang, iwas sa mga ayaw ko katabi.

pinay psycho, sana matupad mo ang mga new year's resolution mo.. determination lang kelangan jan. pero kahit di ka na magpa-conscious sa diet mo, walang tatalo sa alindog mo!

basta ako, happy na naririnig ko ang pagkanta ng anak ko. mana sakin! (lakas ng hangin!)..

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60