heto na naman ako !!!

sobrang tagal din bago ulit ako naka-post kasi surf controlled na ang personal windows sa jg. syempre, tamad din ako magpunta ng cafe mag-blog lang di ba... so since lang bawal ngaun sa ofis, gora na!

marami-rami na rin ang nangyari sa buhay ko lately. nagkahiwalay kami ni amy earlier this year kasi may nagloko ! hahahahahhaah! at ako yun, aminado ako. well, pinagsisihan ko rin kasi walang kuwenta rin ang naging dahilan ng paghihiwalay.. basta.. ayoko na rin i-elaborate dito at alam na ng mga tao ang mga pangyayari.. wa walng alam, sori na lang at ayoko na balikan ang madilim na kahapon... chos!

nakita ko na rin ang picture ng anak ko. malaki na sya. nakakalungkot na di pa rin kami nagkikta pero alam ko naman na maganda buhay nya. well, sana one day, magkita ulit kami and sobrang miss ko na sya. i have my own reasons bakit kelangan ko mag-sacrifice na umuwi ng bacolod. akin na lang un hehehehehe.

malapit na rin ang pasko.. hayy mahirap na rin ang buhay and kelangan magtipid kasi lahat, mahal na. pero ok lang. maswerte pa rin tayo kesa sa iba kasi may trabaho tayo, samantala ung iba, wala and umaasa lang sa swerte ng buhay. well, tumatakbo ang oras and dapat, ngaun pa lang iniisip na natin kung ano ang dapat para sa future.

nanalo pala si pacquiao sa boxing. pero di dahil pinoy ako, kampi ako sa kanya. sori pero ayaw ko lang eh. kanya-kanyang opinion lang yan.. walang pakialamanan.

o sya, sana naman, tumagal pa na walang surf control.... till next ish ........

ps. kami na pala ulit ni amy and this time, wala nang magloloko pa hehehehehe.

NEW LIFE, NEW DAY!

eto at ngaun lang naka-post ulit. bawal na kasi ang personal window sa ofis at surf control na halos lahat. buti na lang at balik jg kami. may access ng personal window dito sa 32nd flr.

musta naman ang buhay-buhay?? eto at last at nakuha ko na ang inaasam-asam ko na promotion. after 2 years na pamamalagi sa ps, at last natupad na rin ang pangarap ko.. ang lalim!

maraming bagong mukha sa floor, marami ang na-promote, at marami na rin ang nagsi-resign. may kanya, kanyang dahilan sila kung bakit kelangan nilang mag-adventure ng ibang trabaho.

kelangan ko na umuwi. matutulog na ko. sana maka-post ulit ako.

This time, I'm really back!

The last time nag-log ako dito, days after my birthday pa nung 2005. Marami-rami na rin ang nangyari sakin mula nun. Sana lang matandaan ko lahat. At sana, maisipan din ng iba na open ulit ang site ko kasi parang nawala na ko sa ere.

Di rin ako nakauwi nung Christmas kasi di ako na-approve sa PTO. mahirap din kasi ang slots samin. Paunahan. so wala na ko nagawa. Nagpadala na lang ako sa anak ko ng gift nya. Sana naman nagustuhan nya yun.

Rejected na naman ako sa inaplayan kong position sa ofis. As usual, umiyak na naman ako kasi syempre, pangalawang beses na kong na-reject. di ko na rin alam kung ano ba talaga ang meron sila na wala ako. at di pa rin ako nadala! nag-apply ulit ako noh oo... so good luck na lang sakin kasi di rin nasasabi pa ang hatol.

Mula rin nung nagba-bago-bago na ang sked namin, mejo naging masakitin na ko. high blood na yata to.. wala kasing tigil sa yosi at inom. pero tinigilan ko na... sa kaya ko hehehehe... pero syempre, mawawala ba ang vicks sa buhay ko ? hindi!

Aa mga friends ko na nagsi-resign na, sana maging happy kau sa bago nyong adventure sa buhay. wishing din ako na sana, next time, makakaalis na rin ako next time. hayyyy , sana matuloy na talaga ako.

Last na.. dumami ang new faces sa account namin. Feeling ko, semento na kami kasi matagal na kami sa account. pero ok lang. Maraming bagong mukha... bagong makilala.. bagong madadaut hahahahahaha!

Next time na ulit. sa kakambal ko na si Gina.... thank you sa pag-load mo sa blog ko.......




Armani Exchange Canada Fall '08 468x60