naniniwala ba kayo sa multo? totoo kaya na may mga namamatay na nananatili pa rin dito sa mundo? mahilig ako magbasa tungkol sa paranormal pero di ako gaano naniniwala sa multo kasi wala pa kong nakita o naramdaman at para sa akin, kung sakali mang magpakita ang isang kaluluwa, hindi sa katauhan ng isang tao kundi makikita mo ito na parang usok lang.
naalala ko ang kuwento ng tita ko na nakaranas ng out of the body phenomenon. sabi nya, isang gabi daw habang tulog sya, naramdaman nya na gumagaan ang pakiramdam nya. hindi nya malaman basta parang nakalutang sya. nang ipikit nya ang mga mata nya, nakita na lang nya ang katawan nya sa higaan katabi ng tito ko. pinilit nya tingnan ang mga kamay nya pero ang nakikita nya ay parang bulak ang katawan nya. gusto nya sumigaw pero walang boses na lumalabas kahit nakabuka na ang bibig nya. nakita na lang nya na parang hinihila sya sa isang tunnel na may liwanag sa dulo. ayaw sana nya lumapit duon pro may parang humihigop sa kanya. at pagpasok nya sa liwanag, maaliwalas ang naging pakiramdam nya at parang wala syang maramdamang takot o ano man. nakita nya ang malawak na hardin at puno eto ng mga bulaklak. papunta na sana sya sa isang parang daan ng may narinig sya na "it is not your time. go back". bigla daw syang hinigop ulit papasok sa tunnel at nakita nya na binibigyan sya ng cpr. nagising sya na may nagsi-cpr pa rin. bumalik na sya sa katawan nya. ayaw ko sana maniwala pero marami na ring nagkaroon ng ganitong karanasan.
napapnood din natin sa tv ang mga nagmumulto, na kung ano ang hitsura nila nung namatay sila, ganun din sila pag nagpakita sila sa tao. maaring maramdaman natin sila pero ung makita natin ang anyo nila, para sakin, imposible eto. ang tao kasi, pag namatay, aakyat na ang kaluluwa nya sa taas. pero syempre, iba-iba ang paniniwala natin. lalo pag iba ang relihiyon, iba iba ang pananaw sa kamatayan.
pero magtataka pa rin kau kung bakit ako atat sa paranormal. ewan ko. curious ako. nung pumunta nga kami sa MFC, nakaramdam ang mga kasama ko ng lamig daw. eh pano di lalamig, alas-12 un ng gabi. at sinilip ko ang basement pati na ang taas ng building, wala rin akong nakita. last naming pinuntahan ang theater mismo, kasi sabi ng mga guards, dun daw marami nagpapakita kasi halos dun nalibing ang mga construction workers dati. pumasok kami ng isa kong kasama. hinayaan kami pumunta malapit sa back stage. ang kasama ko, sabi nya parang may nakita syang anino sa likod pero nang tiningnan ko, wala. at nanlalamig sya pero ako wala pa ring nararamdaman. niyaya ko na lang sya palabas ng theater. paglabas namin, dun ko pa lang nakita na putlang-putla sya.
dati din nung nagtatrabaho pa ko sa hospital sa bacolod, naka-assign ako sa 4th floor. ako lang ang staff dun at ang midwife na kasama ko. 12am ang pasok ko so mejo ok sakin kasi puro tulog ang mga pasyente ko. 1am, nakarinig ako ng tili at nalaman ko na ang kasama ko ang nagtatakbo pababa ng floor.
tinawagan ako ng kasama kong nurse sa 3rd floor at kinuwento nya sakin na kaya nagtatakbo ang midwife namin, may nakita daw syang parang anino na palakad-lakad sa isang kuarto. at nung nasa loob sya ng pantry namin, bigla daw bumukas ang isang drawer namin. kaya sa takot, napatili sya at tumakbo pababa. pinilit ko sya bumalik sa floor at para di sya matakot, nagpasama kami ng isang helper. nag-abang ako hanggang alas-3 pero wla akong nakita.
siguro wala akong talent na makakita o makaramdam. o di kaya, gaya ng sabi ng isa kong kaibigan, baka hindi nakabukas ang third eye ko. baka nga. pero sa isip ko, sakin yata takot ang multo.
pano daw ang mga taong biglang namamatay? sila yata yung sinasabi nila na may unfinished business. hindi pa sila nakakaakyat kasi hindi sila aware na wala na pala sila. ung minsan na-feature sa tv, ung tungkol sa bata na nag-mumulto sa ambulance. ksi sa sasakyan na sya namatay at wala syang alam na patay na sya. kaya hanggang ngayon, nararamdaman sya ng mga pasyente sa ambulansya, na merong parang naglalaro at tumatawa.
di ko alam kung ano magiging reaksyon ko sakaling makakita o makaramdam ako. siguro dahil tao lang, pwde akong matakot. tsaka ko na lang ikwento pag may nakita ako. sana kung kasing cute nya si casper, baka gawin ko syang pet.
3 Reasons Why Ozamiz is BEST for BACKPACKERS
8 years ago
0 comments:
Post a Comment