si nginig, si lola, etc., etc.

akala nyo horror na naman to noh.. hindi... si nginig, kapitbahay ko yan sa pasay. bakit nginig? may-ari sya ng tindahan malapit sa min. dun ako bumibili lagi ng yelo at kung ano-ano pa. alcoholic kasi sya kaya medyo pasmado na kamay nya at laging nanginginig pag nag-aabot ng binili mo. kanina bumili ako ng pork and beans. di ko alam kung alam nya ano ang binibili ko. nagtanong pa sya sa misis nya kung magkano eto. tapos, nagulat ako, inabot sakin, condensada. sabi ko, "kuya, pork and beans ho". sagot nya "ah, sori mali". tapos akala ko tama na ibibigay nya, ung inabot na naman sakin, corned beef! susme, di ko alam kung matatawa ako o maiinis. kaya sabi ko ulit," kuya, pork and beans hu. ung sa taas ng pinagkunan nyo ng corned beef". narinig siguro ng asawa nya, tinuro na lang sa kanya. di na ko ngumiti kasi baka gyerahin ako ng kumander nya. tapos pag inaabot na ang binili mo, kelangan alisto ka rin kasi minsan, sa sobrang nginig ng kamay nya, nagkakatapon-tapon ang binili mo. parang gusto ko tuloy sya sabihan na tumigil na sa pag-iinom at lumalala ang resulta ng alak sa kanya.

nakuwento ko na rin minsan yung tungkol naman sa isang lola na may-ari din ng tindahan malapit samin. dun naman ako bumibili ng softdrinks kasi mas malapit sya sa bahay. di ko alam kung kelan nya pa natutunan ang amazing act nya pero nakakatuwa sya. mahilig si lola sa sigarilyo. pero alam nyo ba, ang nakasinding parte eh nasa loob ng bibig nya at ung filter nasa labas. baliktad! pero keri nya. curious ako kung napapaso din kaya sya at kung nilulunok nya ang abo na tumataktak? hmmmm? sabi ko nga, siguro dati si lola, kumakain ng apoy o di kaya bubog. at sa pagtanda nya, sigarilyo na lang ang kaya nya kasi baka sa edad nya at kumakain pa sya ng apoy, eh cremation na un. hehehehe.. joke!

may mag-asawa naman na nakatira sa isang jeep. di ko alam kung bakit dun sila natutulog. pag makikita mo ang jip, may mga nakasampay na mga damit at merong maliit na cabinet pa. sobrang liit para kumasya sa sasakyan. pero parang walang problema ang mag-asawang ito. makikita mo sila laging nakangiti at feeling nila, mobile home ang tinitirhan nila. gusto ko nga minsan alukin ng DTV at baka interesado sila hehehe.

yung mga babae naman, pag-umaalis ako ng bahay, makikita mong nag-uumpukan na sa isang tabi. merong nagkukutuhan, nagpapatanggal ng uban, o di kaya nakaupo na parang nag-aantay ng ng grasya galing sa langit. pero ung may mga pera, nagto-tong its na yan. meron ding mahjong. typical na housewives. antay sa pera ng mga asawa at para merong ipambili ng ulam. pero observe ko, pagka may umuuwi lalo pag sueldo at may bitbit na grocery, maglalakihan na ang mga mata at titingnan ang dala mo. na parang kamag-anak sila ni superman na merong x-ray vision at makita ang loob ng supot.

pero kahit ganito ang mga kapitbahay ko, naiintindihan ko sila. kasi sa araw-araw na ginawa ng langit, eto lang ang mga pwede nilang gawin. ganyan sila eh. kaya mabagal ang asenso ng tao. salamat na lang at merong nginig samin. aliw na ko dun.

2 comments:

  Bohemian Angst

3:11 AM

kwentong ripley's believe it or not ba ito or wow mali? he he he

  Choleng

12:01 AM

Sobrang nakakaaliw ito. Hoy, twin! alisin mo na yung metanoia blog at ito ang ipalit mo. hokey? uwi na ako!

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60