the unexpected

2 nights ago, namatay ang mother ni amy. kuwento ng mga kapitbahay, masaya sya nung umaga pero di namin inexpect na mawawala sya pagsapit ng gabi. high blood sya. diabetic pa. siguro daw, inatake ng HB at nahilo kaya natumba. nabagok ang ulo sa semento at nagsuka ng maraming dugo. comatose na pagdating sa hospital. 2-3 hours later, wala na sya.

naisip ko kung gano kabilis mawala ang buhay ng isang tao. kanina lang, kausap mo pa pero di mo inaasahan, mawawala lang bigla.

nagpapasalamat ako na nagkaayos kami bago sya kiniha ni Lord.

nagkita ulit kami ni boy saudi. akala ko papatayin nya kami kasi yan ang sabi nya noon. pero wala. mukha pa syang kawawa ngayon kasi kahit pambili ng sponge at dishwashing paste, wala na sya. ano ba? bat ngayon, para kang maamong tupa? at kung makaiyak ka sa kapatid mo, akala mo bata. tsk tsk tsk.. wala ka talaga oo. ewan ko sayo!

masakit ang ulo ko. nahihilo ako. tulog muna ako.

2 comments:

  Bohemian Angst

11:23 PM

This comment has been removed by a blog administrator.
  Bohemian Angst

11:27 PM

I'm sorry about what happened to amy's mother. Please extend my condolences to her & her family...

Nakakatakot talaga pag may HB, everytime tumataas ang BP ni ray, kinakabahan ako. Ayoko ring isipin pero baka mangyari din sa kanya, wag naman sana...

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60