di ako naka-post last week. ewan ko ba. may naisulat ako sa notepad pero di nakakalimutan ko i-post. anyway, ok lang weekend ko. di kami lumabas kasi tinatamad na and mejo tipid na din kasi may gagastusan. pumunta lang ako sa harrison at bad trip lang kasi may parada ng sto. nino sa roxas and nagka-traffic. pauwi na ko at naka-sakay na ng jip pero 20 mins. na, di pa umaalis ang jip sa harap ng mall. kaya, bumaba na lang ako at nilakad pauwi. majo paltos paa ko pero ok lang kasi nakauwi na ko, ang jip na sinakyan ko, di pa rin nakaalis ng vito cruz. natunaw tuloy ang chocolate na binili ko. bad trip!
tapos kahapon, nakabili ako ng 2 libro sa National kasi bargain. P50 lang isa. ok na rin kahit may kalumaan kasi maganda naman ang story.
hanggang ngayon, di ko pa rin nagagawa ang letter ko kay chit. sabi ko sa kanya, magpapadala ako pero parang wala pa ko sa mood sumulat. magagawa ko rin yan.
sa 700 club pala kagabi, nag-confess ang isang negro kasi dati, palaboy sya at nahuli sya sa pagnanakaw sa isang grocery store. pero nung nasa kulungan na sya, nakita nya sa tv ang isang pastor at nagustuhan nya ang preaching nito. simula noon, nagbabasa na sya ng bible at nakita sa kanya ang pagbabago, pinalaya sya at nagbagong-buhay na sya. ngayon pastor na rin sya at patuloy sa paglilingkod sa Diyos. maganda ang story. sana kung ang mga taong nalihis sa landas makaisip din na baguhin ang buhay nila, mababawasan ang masasama dito sa mundo.
maaga pa para mag-sermon ako. tama na muna to.
3 Reasons Why Ozamiz is BEST for BACKPACKERS
8 years ago
0 comments:
Post a Comment