epistaxis

nag-pto ako ng saturday kasi kelangan ko magpahinga. nasabi ko na sa last post ko na dumudugo kasi ang ilong ko. kaya nung weekend, rest galore ako. and dun ko lang na-observe na rest lang pala kailangan ko. ngayon di na ngdudugo ang nose ko. and dapat ko na rin i-stop ang pagsinghot ng menthol kasi nakakasira ng sinuses. hmmm ngayon ko lang naisip ang disadvantage eh almost 10 years na ako gumagamit nito heheheh. nagpagawa rin pala ako ng bagong salamin kasi tumaas ang grade ng mata ko.

sabi pala ni rica sakin, open ng konti ang third eye ko. di ko alam kung totoo ito pero sana wag maging full kasi ayoko maging praning, na kahit saan ako tumingin, may makikita akong di kanais-nais. tuwing pumupunta kasi kami ni amy sa sementeryo, parang mabigat ang pakiramdam ko and sumasakit ang ulo ko. and last time, bigla akong nag-chill... wala naman akong lagnat. ang ginawa ko, kinausap ko ang mama ni amy at baka sakali nagpaparamdam sya sakin. di ako natatakot. ayoko lang ng feeling na mabigat, lalo sa balikat.

sa totoo lang, di ko naranasan to sa mommy ko. never ko naramdaman na anjan sya. how i wish na kahit sa panaginip, mag-usap man lang kami.

di pa naka-let go si amy sa mama nya. every night, umiiyak pa sya and ayoko sana na bini-blame nya si God sa pagkawala ng mama nya. sabi ko nga sa kanya, may plans for her and sa siblings nya kaya nangyari un, and besides, time na ng mama nya para bumalik sa Kanya. i know it will take a while para matanggap nya pero kelangan ko intindihin.

sana she can move on na. coz i know, naka-move on na ang mama nya.

2 comments:

  Tinkerbell

10:59 PM

Tama ka soulmate! Ang epistaxis mo ay bunga ng madamdaming pagsinghot ng iba't ibang uri ng mga nakaliliyong mga gamot, mula tiger balm hanggang omega pain killer. Singhot dito, singhot dun! Buti pa gayahin mo ko! nabasang lupa sa tanghali ang sinisinghot ko...

  Tinkerbell

11:01 PM

Tama ka soulmate! Ang epistaxis mo ay bunga ng madamdaming pagsinghot ng iba't ibang uri ng mga nakaliliyong mga gamot, mula tiger balm hanggang omega pain killer. Singhot dito, singhot dun! Buti pa gayahin mo ko! nabasang lupa sa tanghali ang sinisinghot ko...

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60