maraming alam na bisyo ang tao. iba-iba ang trip. dati alak lang at sigarilyo, ngayon matayog na ang trip nila. bato! dati ang bato, ginagamit na panghilod sa katawan o di kaya pang-decor sa aquarium. pero syempre, ibang bato ang tukoy ko. pasakalye ko lang, kung baga.
unang tikim ko nito, para lang akong naninigarilyo. nagtataka ako kasi bakit yung mga kasama ko, hinahabol nila ang usok kahit halos papunta na to ng kisame. hanep sa trip. pero di kalaunan, nalaman ko rin kung bakit. sayang ang usok. mahal ang bili mo para maka-trip at makadagdag pa sa sarap yun.
akala ko sagot sa problema ko ang trip na to. pero lalo pa ko napraning. lagi akong gutom kasi wala na akong pera at kulang din ako sa tulog kasi dilat ka ng tatlong araw. kahit pasuntok ka pa sa kasama mo, ayaw pa rin bumaba ng amats ko.
pero nagpapasalamat ako at isang araw, minulat ng Diyos ang mga mata ko sa katotohanan. ginising nya ang tulog kong kaluluwa na na-hypnotize ng bato. nawala na ang mala-anesthesia sa utak ko. kinaya ko na labanan ang nararamdaman ko. hindi ako nagpa-rehab. kinaya kong kumawala sa pagkagapos ko sa bisyo, lalo pa at hindi alam ng pamilya ko ang trip ko.
ngayon, nagbabato pa rin ako. pero ung bato na panghilod na. ayoko na balikan pa ang ganung karanasan ko. magastos na, nakakaturete pa ng utak.
gaya ng sabi ko, matino ako. yun nga lang, may bato pa ko...sakit sa bato.
3 Reasons Why Ozamiz is BEST for BACKPACKERS
8 years ago
0 comments:
Post a Comment