naghihirap na ang pilipinas ngayon. marami ang taong nagugutom at ang iba, gumagawa ng kahit anong paraan para mabuhay lang. merong humihingi ng limos, naghuhukay ng basura, nagnanakaw, at nagbebenta ng katawan.
pag nakakadaan ako sa kalye ng mabini sa umaga, makakakita ka n mga taong palaboy na nakahiga sa gilid ng daan. ang iba naman, sa gilid ng simbahan natutulog. masakit makita na merong mga maliliit na bata na madudungis at walang damit na nakaupo sa isang sulok habang tinititigan ang ina na natutulog pa. nag-aabang ng may magandang loob para mag-abot ng konting pagkain man lang. sabi ni rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. pero paano maging maganda ang kanilang kinabukasan kung sa munting pag-iisip nila, mahirap na ang karanasan nila.
sa kalye ng buendia malapit sa tirahan ko, may isang grupo ng kabataan duon na may hawak na plastic at puno ng rugby. napag-alaman ko na ginagawa nila ito para di sila magutom. nakakaawa pero nakakatakot din. kasi baka sa epekto ng kemikal sa utak nila, mawala sila sa katinuan at di na nila malaman na nakagawa na pala sila ng masama sa kanilang kapwa.
ang mga holdaper at mga snatcher naman, dinadaan ang tapang nila sa laki ng katawan. at sa mga sandatang dala nila para panakot sa mga biktima.
pagbenta naman ng katawan ang paraan ng iba. pinapalakas ang loob sa pagharap sa magbibigay ng bayad sa kanila para lang mabuhay ang kanilang pamilya. di na nila pansin ang sasabihin ng ibang tao o ang pagbaba ng tingin sa kanila basta hindi sila humihingi ng tulong sa iba.
maswerte tayo at nabuhay tayo na may konting ginhawa sa buhay. naisip ko, kung di ako nagkusa na labanan ang masamang bisyo, malamang isa ako sa mga taong ito na kakapit sa kasamaan para lang mabuhay at matustusan ang bisyo.
ayoko. mahal ko ang sarili ko. at nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi nya ako pinapabayaan. sana minsan sa ating buhay, maisip natin na maswerte tayo. wag natin ipagyabang ang karangyaan na naabot natin kasi baka mabawi satin yan sa huli.
mag-abot tayo ng tulong sa iba. hindi lang ngayong pasko, kundi sa panahon na dapat tayong tumulong.
3 Reasons Why Ozamiz is BEST for BACKPACKERS
8 years ago
0 comments:
Post a Comment