may they all rest in peace

nung nakaraang linggo lang namatay si FPJ. marami ang nabigla sa kanyang maagang pagpanaw. kung isa ka sa nakasama nya nung christmas party, parang di mo paniniwalaan na ilang oras lang, nakausap mo pa sya, tapos bigla na lang sya mawawala ng pang-habang buhay.

nung isang araw din, nasunog ang bahay ni JdeVenecia at di nila namalayan na ang bunsong anak nila ay nasa loob ng kuwarto. akala kasi nila, lumabas ito pero di nila alam, di pala tuloy kasi kailangan mag-review para sa exam kinabukasan. nakatanggap ang ate nito ng tawag nya at laking gulat nila na humihingi ito ng saklolo. duon pa lang nila nalaman na nasa loob ito ng kuwarto. pumasok daw ang bata sa loob ng cr sa akalang mailigtas sya ng tubig pero siguro, dahil sa kapal ng usok, na-suffocate ito at naging sanhi ng pagkamatay.

ilang linggo na rin ang nakaraan ng mamatay ang landlord ko. para na syang naging tatay ko pero pinagdasal na rin namin na sana makapagpahinga na sya.

naalala ko ang sabi ng pastor namin dati, "ngayon buhay, bukas patay." lahat ng tao may hangganan ang buhay. at gaya din ng sabi nila, alam na ng Diyos kung hanggang saan lang tayo.

malapit na dumating ang bagong taon. sana makapag-pasalamat tayo sa Diyos sa pagbigay ng biyaya sa atin sa buong taon, sa pag-alaga nya sa tin pag may problemang dumating, at sa pagbigay ng buhay sa atin.

"Lord , I praise you because of who you are
not just for all the mighty things that you have done.
Lord, I worship you because of who you are
You're all the reason that I need to voice my praise
because of who You are."

0 comments:

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60