maliit pa ko, ewan ko ba bat mahilig ako magbasa at manood ng kababalaghan. nung high school ako, galit nanay ko sakin kasi kulay ng ilaw ko sa kuarto, kung di pula, blue. may poster pa ko ng demonyo na nakasabit sa pinto. tapos yung music ko, kung gusto ko mag-trip, twisted sister. paborito ko yung kanta nila na "we're gonna make it". gusto ko rin ang queen. lalo ung "bohemian rhapsody". nakakawala ng antok.
naalala ko, nakapunta na kami sa isang lumang bahay na sabi nila may multo daw. di ako naniwala. kahit sinabi na ng mga kasama ko na may naramdaman daw silang kakaibang lamig. ewan ko. siguro manhid ako o baka takot din ang multo sakin.
nakapunta na rin ako sa manila film center. 12 ng gabi pero gaya ng dati, parang ayaw ng multo makipag-meet sakin. lahat na ng sulok ng building, sinilip ko na. piti basement. pero wala pa rin. siguro nga. la talaga akong capability makakita ng isa. sabi ng guard, meron daw sa theater area and sa basement, bigo pa rin ako. hayyyy. pero ok lang.
ang mga libro ni jaime lichauco sa NBS, halos nabasa ko na lahat. ewan ko ba, bat talaga ako nahilig sa paranormal. di ko rin pinapalampas ang paranormal.about sa internet.
mahabagin! schizo na nga ako, paranormal pa! grabe na ito!
3 Reasons Why Ozamiz is BEST for BACKPACKERS
8 years ago
0 comments:
Post a Comment