highlights of 2004

january - maswerte kaming nakahanap ng bahay sa san juan, pasay. excited ako kasi magkakasama na kami ni amy. nag-training ako sa eP as DA pero di ako tumagal. baba ng offer nila.

february - i was hired as erep sa PS. to be exact, feb.9 kami na-hire.

march - 3 years na kami ni amy.

august - naging regular employees na kami ng PS. eto na yung sagot sa prayers ko na sana maging matino na ang takbo ng buhay ko.

november - birthday ni baby deedee ko. from this time on, nagpapadala na ako ng stuffs sa kanya and tumatawag din ako minsan. kinantahan nya ko ng "forever's not enough" by sarah geronimo.

december - nag-reconcile na kami ni chit, best friend ko.

malaki ang naging blessing ko sa taong ito. di na ko bumalik sa dati kong gawain. di na rin ako ang happy go lucky person na kilala ng ibang friends ko. alam ni God na malaki ang pasasalamat ko sa kanya. binago nya ako. tinuwid nya ang buhay ko.

Lord, thank you sa lahat lahat. sa pagpasok ng bagong taon, sana di ka pa rin magsawang magbigay ng graces mo samin. i commit everything to You and that includes my daughter. Lord, sana napatawad na rin ako ng family ko. Wish ko na lang sana na magkaayos kami ng tatay ko. Hail to Your name. I love you !

" ghost ship "

nes, thank you sa vcd na binigay mo. alam mo talaga mga hilig ko. wala pa ko sarili kong player pero baka makakabili na ko sa susunod. napanood ko na yan sa sine pero maganda rin ung may sarili kang copy di ba.. thanks ulit :)

may sakit ako kaya di ako masyado makapag-isip sa isusulat ko. hmm 2 araw na lang, new year na. ako ang taong di naniniwala sa new year's resolution. kasi pag talagang gusto ng tao magbago, new year man o hindi, gagawin nya talaga yun.

happy new year! Lord, thank you for all the blessings :)

merry christmas !

napanaginipan ko mommy ko kanina. umuwi daw ako sa amin and andun pa ang bahay namin. niyakap ako ng mga pinsan ko and nung makita ako ng tita ko, sabi nya, akyat daw ako sa taas and may surprise para sakin. laking gulat ko ng makita ko ang parents ko. na-feel ko talaga ang yakap ng mommy ko.

ayoko na mag-emote. gusto ko masaya ang pasko ko.

salamat pala sa ga makaalala mag-text at nagbigay ng regalo. pero kahit walang gift, okey lang sakin kasi ang importante, yung alam mo na mahal ka and kaibigan sya kahit anong mangyari.


journey to the past........

ilang oras na lang, christmas na. dito ako sa office and how i wish na sana kasama ko ulit family ko sa bacolod. nung buhay pa sina lola, lolo, at si mommy, pag-25, sa bahay ang celebration. naging tradition na sa family namin na merong gathering ang buong family. sa noche buena, may visit ang co-masons ni lolo and imbes na kami ang nagbibigay ng pamasko, kami ang binibigyan ng regalo.

pagsapit naman ng gabi ng dec.31, dun kami sa bahay ng uncle ko. tradition na rin samin na duon ang celebration.

matagal na rin akong di naka-celebrate ng pasko at bagong taon kasama sila. wala na si mommy, si lolo at si lola. lalo pa na di ko na rin kasama ang tatay ko.

pero ang nami-miss ko ngayon..... ang anak ko. ilang taon din di kami magkasama na tuwing december. i'm praying na sana dumating na rin ung time na magkasama kami bumili ng mga gamit nya and lahat ng mga gusto nya.

nakakalungkot isipin pero sana, pwede ko lang mabalik ang oras. nung kumpleto pa kaming lahat. miss ko silang lahat.... at sana miss din nila ako.

" heart don't fail me now
courage don't desert me
don't turn back now that we're here
people always say
life is full of choices
no one ever mentions fear.

or how the road can seem so long
how the world can seem so vast
courage see me through
heart i'm trusting you
on this journey to the past.

somewhere down this road
i know someone's waiting
years of dreams just can't be wrong
arms will open wide
ill be safe and wanted
finally home where i belong
well starting here my life begins
starting now im learning fast
courage see me through
heart i trust in you
on this journey to the past.

home, love, family
there was once a time
i must've had them too
home, love, family
i will never be complete until i find you.

one step at a time
one hope then another
who knows where this road may go.
back to who i was
onto find my future
things my heart still needs to know

yes, let this be a sign
let this road be mine
let it lead me to my past
courage see me through
heart i trust in you
to bring me home at last."


"soul mate"

"there i was an empty piece of a shell
just minding my own world without even knowing
what love and life is all about.
then you came, you brought me out of the shell
you gave the world to me
and before i knew, there i was so in love with you".

4 years na tayo sa march. ang bilis lang ng panahon. marami tayong napagdaanan na naging test sating dalawa and ngayon, masasabi na nating, wala ng pwedeng makasira sating dalawa.

naalala ko nung bigla akong nawala na di man lang ako nag-paalam. sabi mo, sumulat ka sa bahay pero di ko rin natanggap kasi umalis na ko that time. and hinanap mo ko pero di ka bumitaw at hopeful ka na magkita tayo ulit. 9 months ako nawala. wala akong lakas ng loob na makipagkita sayo sa takot na baka hindi mo matanggap ang totoo kong pagkatao. naging tayo kahit hindi pa tayo nagkita dalawa and pinadama mo sakin kahit sa cell phone lang kung gaano ako kahalaga sayo.

nung time na nagkita tayo, nilakasan ko na loob ko. pero may deception and never akong umamin sa katotohanan.

dumating ang oras na kelangan ko na umamin sa naging pagkakamali ko and hinanda ko na sarili ko sa possibility na bibitaw ka na. pero nagkamali ako. tinanggap mo pa rin ako and lalo mo kong minahal.

sa january, 1 year na tayong nagsasama. nung una, aminin ko, medyo mahirap kasi may mga araw na di tayo nagkakaunawaan. lagi tayo nag-aaway kasi di tayo magkasundo sa mga bagay bagay. pero ngayon, masaya na ako kasi paggising ko sa umaga at pagtulog ko sa gabi, anjan ka sa tabi ko. kasalo na rin kita sa pagkain at nagiging magaan ang problema dahil nagdadamayan tayo sa isa't-isa.

sabihin man ng ibang tao na mali ang pagsasama natin, pero alam ko, binigay ka Niya sakin. alam ng pamilya ko at mga kaibigan ko na sobrang mahalaga ka sa kin.

for amy : thank you for coming into my life. thank you for all the understanding and the patience sa lahat ng napagdaanan natin. i love you so much. one more thing, thank you for loving my daughter, deedee. i love you both.

" i never felt so happy in my life
now that i have you by my side
i never want this feeling to end
this tender moment i will cherish for a long time.
and through the years i'll always be with you
my inspiration in everything i do
and when you smile it eases my mind
one look at you, and everything will be alright
YOU ARE THE BEST THING THAT CAME INTO MY LIFE".

irate ulit!

nanood ako ng tv kanina and na-interview ang mga dating supporters ni fpj. sabi ng isa, "pano na kami ngayon at wala na sya. sya pa naman ang laging tumutulong samin sa oras ng pangangailangan". eh utang na loob naman, kaya nga pinagpahinga na yung tao para wala na sya poproblemahin at magkaroon na sya ng totoong katahimikan. aba! hindi sya pinanganak sa mundong ito para palamunin kaung lahat! puro kayo asa, ayaw magbanat ng buto!

kahapon din, sa sto. domingo pa lang, sabi ni susan roces, wag haluan ng pulitika ang libing. susme, pagdating sa north cemetery, ang maririnig mo, pagbubunganga ni nino mulach sa taas ng platform. hoy, tanga, sabi nyo wag haluan ng pulitika, ano ginagawa mo dun?! nakakainit kau ng ulo!

sana man lang, nirespeto nyo ang patay at ang pamilyang naiwan. hindi ako fpj fan pero nakikisimpatiya ako sa mga naiwan nya. mabuti pa ang anak nya sa labas at nasa likod lang lagi. walng kibo, tahimik lang.

sana man lang, patahimikin na nila ang kaluluwa nya. kasi baka hindi matahimik at bumalik, pwede pang gawing istorya sa nginig..

ayokong magalit kasi baka masira ang araw ko pero di ko maiwasan.

1. nagreklamo ka bakit ang regalo ng anak ko, pinadala ko sa opisina ng bestfriend ko sa metro bank. aba, wala kang karapatan para magreklamo kasi hindi mo pera ang ginsatos sa padala. buwisit ka! rindi na ko sayo! ilang beses ka na sinabihan ng pamilya ko na pabayaan mo na ako. maintindihan ko sana ang galit mo kasi malaki ang naging kasalanan ko sa anak ko pero susme, binabayaran ko na ang pagkukulang ko. sana lang, magpasalamat ka man lang na kahit dati pa, pera ko ang bumuhay satin. wala kang kwenta!

2. isa ka pa! isa kang peste sa buhay ko! aba, ang tindi ng kaplastikan mo, akala mo kung madadala mo ko sa pananakot mo! akala mo takot ako sayo, hoy para sabihin ko sayo, nagtitimpi lang ako. baka ituwid ko bigla katawan mo, makita mo. gusto mo, ipadala ko pa sa filipinas.com picture mo para matuwa kami sayo. may nakapagsabi pala sakin, di ka normal! hay naku, kung kabilang ka na man lang sa mga abnormal dito sa mundo, ngayon pa lang sabihin ko sayo, di ka bagay dun. kasi di ka normal, di ka rin pwedeng abnormal. hayop ka!@... animal!!!!

3. kalalaki mong tao, kung makasalita ka sa ibang tao laban sakin, akala mo kung sino kang diyos! hoy, bakit nagagawa mong magsalita pag di ako kaharap! ilang beses kitang na-dare kausapin, ayaw mo. pero pagtalikod ko, dumadakdak ka! duwag! bakla! takot ka humarap sakin kasi baka di mo makaya ang mga isususmbat ko sayo.. huwag kang mag-alala, lahat ng text messages na pinadala mo, di ko binura. haharap tayo sa korte, demonyo ka!

4. nakalimutan nyo na ba ang ginawa nyo? ako, naalala ko pa rin lahat ng nangyari. magbabagong taon pa naman sana yun. kesyo walang naiabot na pera sa inyo, nilait nyo na pagkatao namin. at lahat na yata ng kasamaan sa mundo, kami na ang may gawa. lintek kaung lahat! pagdating sa hingian, ang bibilis nyo. pero nung araw na walang naabot sa inyo, ginutom nyo ang nagsasakripisyo para sa inyo. naalala ko pa rin ang mga dabog, hampas sa pinto, panlalait nyo samin. nung pinaluto sa inyo ang spaghetti, anong ginawa nyo? para kang nagluto ng kanin! malambot pa sa suman! hanep! madali akong magpatawad. pero sana lang , marunong din kaung humingi ng tawad. di nyo ko masisi kung wala na akong amor sa inyo, lalo na yung nasa kolehiyo na ngayon. minsan ko na sinabi sayo na makapal ang mukha mo! ngayon uulitin ko! ang kapal kapal ng mukha mo!!

ayoko na magalit.. tama na.. ipagdasal ko na lang ang mga kaluluwa nila na sana patawarin sila sa kanilang ginagawa. hindi porke pasko kailangan nagpapatawad tayo. kahit anong araw at oras, mapagpasensya tayo.

sori na lang sa mga taong may galit ako. marunong akong magpatawad pero mahirap alisin sakin ang galit. mahaba man ang pasensya ko pero hanggat di ka marunung humingi ng sori, sori ka din. paensyahan na lang. ako ang taong di masalita. dinadaan ko sa dabog at hampas..

"don't make me angry, you won't like me when i'm angry."

may gift na ko!

di ako nagkamali, si van nga nakatanggap sakin. may kutob na ko una pa lang kasi parang interested sya sa mga natanggap ko. and binigay nga nya ung mga gusto ko! 6 volumes ng true phil. ghost stories! happy ako! syempre naman, mahilig ako sa paranormal di ba.. basta hapi ako.

binigay ko na rin kay ronah ang wish nya... kevin kern na cd.. hanep! hirap hanapin ng cd pero keri lang kasi nakita ko rin.

medyo bad mood ako pagpasok ko kanina kasi masakit ang ulo ko. umaatake ang sinusitis ko. wala pa naman akong dalang drugs ko ( vicks o di kaya mark decongestant ). mahirap talaga maging dependent. dependent sa droga.

wala na akong masabi pa. baka maya pag nasa mood na ako mag-isisp ng isusulat, dudugtungan ko to..

may they all rest in peace

nung nakaraang linggo lang namatay si FPJ. marami ang nabigla sa kanyang maagang pagpanaw. kung isa ka sa nakasama nya nung christmas party, parang di mo paniniwalaan na ilang oras lang, nakausap mo pa sya, tapos bigla na lang sya mawawala ng pang-habang buhay.

nung isang araw din, nasunog ang bahay ni JdeVenecia at di nila namalayan na ang bunsong anak nila ay nasa loob ng kuwarto. akala kasi nila, lumabas ito pero di nila alam, di pala tuloy kasi kailangan mag-review para sa exam kinabukasan. nakatanggap ang ate nito ng tawag nya at laking gulat nila na humihingi ito ng saklolo. duon pa lang nila nalaman na nasa loob ito ng kuwarto. pumasok daw ang bata sa loob ng cr sa akalang mailigtas sya ng tubig pero siguro, dahil sa kapal ng usok, na-suffocate ito at naging sanhi ng pagkamatay.

ilang linggo na rin ang nakaraan ng mamatay ang landlord ko. para na syang naging tatay ko pero pinagdasal na rin namin na sana makapagpahinga na sya.

naalala ko ang sabi ng pastor namin dati, "ngayon buhay, bukas patay." lahat ng tao may hangganan ang buhay. at gaya din ng sabi nila, alam na ng Diyos kung hanggang saan lang tayo.

malapit na dumating ang bagong taon. sana makapag-pasalamat tayo sa Diyos sa pagbigay ng biyaya sa atin sa buong taon, sa pag-alaga nya sa tin pag may problemang dumating, at sa pagbigay ng buhay sa atin.

"Lord , I praise you because of who you are
not just for all the mighty things that you have done.
Lord, I worship you because of who you are
You're all the reason that I need to voice my praise
because of who You are."

naghihirap na ang pilipinas ngayon. marami ang taong nagugutom at ang iba, gumagawa ng kahit anong paraan para mabuhay lang. merong humihingi ng limos, naghuhukay ng basura, nagnanakaw, at nagbebenta ng katawan.

pag nakakadaan ako sa kalye ng mabini sa umaga, makakakita ka n mga taong palaboy na nakahiga sa gilid ng daan. ang iba naman, sa gilid ng simbahan natutulog. masakit makita na merong mga maliliit na bata na madudungis at walang damit na nakaupo sa isang sulok habang tinititigan ang ina na natutulog pa. nag-aabang ng may magandang loob para mag-abot ng konting pagkain man lang. sabi ni rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. pero paano maging maganda ang kanilang kinabukasan kung sa munting pag-iisip nila, mahirap na ang karanasan nila.

sa kalye ng buendia malapit sa tirahan ko, may isang grupo ng kabataan duon na may hawak na plastic at puno ng rugby. napag-alaman ko na ginagawa nila ito para di sila magutom. nakakaawa pero nakakatakot din. kasi baka sa epekto ng kemikal sa utak nila, mawala sila sa katinuan at di na nila malaman na nakagawa na pala sila ng masama sa kanilang kapwa.

ang mga holdaper at mga snatcher naman, dinadaan ang tapang nila sa laki ng katawan. at sa mga sandatang dala nila para panakot sa mga biktima.

pagbenta naman ng katawan ang paraan ng iba. pinapalakas ang loob sa pagharap sa magbibigay ng bayad sa kanila para lang mabuhay ang kanilang pamilya. di na nila pansin ang sasabihin ng ibang tao o ang pagbaba ng tingin sa kanila basta hindi sila humihingi ng tulong sa iba.

maswerte tayo at nabuhay tayo na may konting ginhawa sa buhay. naisip ko, kung di ako nagkusa na labanan ang masamang bisyo, malamang isa ako sa mga taong ito na kakapit sa kasamaan para lang mabuhay at matustusan ang bisyo.

ayoko. mahal ko ang sarili ko. at nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi nya ako pinapabayaan. sana minsan sa ating buhay, maisip natin na maswerte tayo. wag natin ipagyabang ang karangyaan na naabot natin kasi baka mabawi satin yan sa huli.

mag-abot tayo ng tulong sa iba. hindi lang ngayong pasko, kundi sa panahon na dapat tayong tumulong.















you rock!

maraming alam na bisyo ang tao. iba-iba ang trip. dati alak lang at sigarilyo, ngayon matayog na ang trip nila. bato! dati ang bato, ginagamit na panghilod sa katawan o di kaya pang-decor sa aquarium. pero syempre, ibang bato ang tukoy ko. pasakalye ko lang, kung baga.

unang tikim ko nito, para lang akong naninigarilyo. nagtataka ako kasi bakit yung mga kasama ko, hinahabol nila ang usok kahit halos papunta na to ng kisame. hanep sa trip. pero di kalaunan, nalaman ko rin kung bakit. sayang ang usok. mahal ang bili mo para maka-trip at makadagdag pa sa sarap yun.

akala ko sagot sa problema ko ang trip na to. pero lalo pa ko napraning. lagi akong gutom kasi wala na akong pera at kulang din ako sa tulog kasi dilat ka ng tatlong araw. kahit pasuntok ka pa sa kasama mo, ayaw pa rin bumaba ng amats ko.

pero nagpapasalamat ako at isang araw, minulat ng Diyos ang mga mata ko sa katotohanan. ginising nya ang tulog kong kaluluwa na na-hypnotize ng bato. nawala na ang mala-anesthesia sa utak ko. kinaya ko na labanan ang nararamdaman ko. hindi ako nagpa-rehab. kinaya kong kumawala sa pagkagapos ko sa bisyo, lalo pa at hindi alam ng pamilya ko ang trip ko.

ngayon, nagbabato pa rin ako. pero ung bato na panghilod na. ayoko na balikan pa ang ganung karanasan ko. magastos na, nakakaturete pa ng utak.

gaya ng sabi ko, matino ako. yun nga lang, may bato pa ko...sakit sa bato.

wala na si panday

nagluluksa ang sambayanang pilipinas sa pagkawala ni FPJ. bigla akong napaisip kasi biglaan ang nangyari sa kanya. sabado lang sya dinala sa hosp at 2 araw ang lumipas, namaalam na sya.

napaisip tuloy ako, kelangan ko na talaga yatang mag-diyeta. ang naging sakit nya, aneurysm. ang pag-block ng namuong dugo sa ugat sa utak, sanhi ng pagkawala ng oxygen na dumadaloy sa katawan.

siguro, dapat na talaga ako tumigil sa paninigarilyo. pero ilang araw na rin na di ako naka-yosi. nadadala lang ako pag may magyaya sa kin sa opisina. tumigil na rin ako sa pag-inom ng beer kasi sumisikip ang dibdib ko pag nasosobrahan. ngaun, di ko na gusto ang amoy at lasa ng beer.

ilan sa miyembro ng pamilya namin, nagka-stroke na. pero di lang yan ang sakit ng pamilya ko. merong sa kidney, konti lang ang sa lungs, high blood, heart problem, cancer, at ulcer.

problema sakin, malakas ako kumain. lalo pag baboy ang ulam. di ko mahindian. di ko mapigilan mga-laway sa takam. at nung may nangyari nga sa panday, naku, bigla ko naisip, ganon lang talaga kadali ang buhay ng tao.

pls, ayoko na. kung pwede tumigil, gagawin ko. pero paunti-unti muna. baka mabigla ang katawan ko.

wala lang.

pacensya na sa last post ko.. sobrang liit ng size.. di ko nahalata.. inatake na naman yata ako ng pagka-schizo ko.

paranormal.about.nginig

maliit pa ko, ewan ko ba bat mahilig ako magbasa at manood ng kababalaghan. nung high school ako, galit nanay ko sakin kasi kulay ng ilaw ko sa kuarto, kung di pula, blue. may poster pa ko ng demonyo na nakasabit sa pinto. tapos yung music ko, kung gusto ko mag-trip, twisted sister. paborito ko yung kanta nila na "we're gonna make it". gusto ko rin ang queen. lalo ung "bohemian rhapsody". nakakawala ng antok.
naalala ko, nakapunta na kami sa isang lumang bahay na sabi nila may multo daw. di ako naniwala. kahit sinabi na ng mga kasama ko na may naramdaman daw silang kakaibang lamig. ewan ko. siguro manhid ako o baka takot din ang multo sakin.
nakapunta na rin ako sa manila film center. 12 ng gabi pero gaya ng dati, parang ayaw ng multo makipag-meet sakin. lahat na ng sulok ng building, sinilip ko na. piti basement. pero wala pa rin. siguro nga. la talaga akong capability makakita ng isa. sabi ng guard, meron daw sa theater area and sa basement, bigo pa rin ako. hayyyy. pero ok lang.
ang mga libro ni jaime lichauco sa NBS, halos nabasa ko na lahat. ewan ko ba, bat talaga ako nahilig sa paranormal. di ko rin pinapalampas ang paranormal.about sa internet.
mahabagin! schizo na nga ako, paranormal pa! grabe na ito!

"split personality"

description ko sa sarili ko... di ko alam bat ako ganito. mabuti naman pagpapalaki ng mga magulang ko sakin pero habang lumalakad ang mga taon, umiiba ang takbo ng utak ko.. minsan friendly ako sa tao, tapos bigla akong sumusungit. parang ulan, biglang buhos, biglang tila. maliit pa ko, di ko na alam ang gusto ko sa buhay. gusto ko magwala, pero gusto ko rin na tahimik ako sa isang sulok. pinakahilig ko lang? kain. jan ako mahina. basta may pagkain, happy ako. minsan na ko nakipagkita sa psychiatrist. pero sya suko rin kasi kinokontra ko lahat ng sinasabi nya sakin. kilala ko sarili ko. hindi ako sira ulo. matino pa ko....

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60