T for Laguna

"ano ang T sa acronym na BLTB" sagot : LAGUNA !

hehehe actually, yan ang sagot ng "tutor" ng roosevelt nung napanood nya ang GKNB ni kris aquino. o di ba, ang galing nya. parang di ako makapaniwala na ganun pala talaga ang takbo ng utak nya.

sabi nya, buntis sya. pero di sya nagpapa-check up at rely lang sya sa pagkaka-delay ng regla nya. un pala, dinugo sya nung isang gabi at dun namin nalaman na di nga sya buntis. pero susme, ang arte! di sya naglalaba kasi masakit ang puson nya at lagi lang sya nakaupo. ilusyunada ito na di nya matanggap na di sya buntis! at, pina-resign pala sya ng asawa nya. di nya daw alam kung bakit.

nung libing, nag-comment daw pala sya sa mga taong nagtatrabaho sa sementeryo. para daw mga mukhang di mapagkatiwalaan, nakakatakot, at kung ano pang panlalait. aba neng, dahan-dahan ka sa panlalait mo. tingnan mo kaya sarili mo sa salamin. mismo bayaw mo nagsabi na mukha kang taga-bundok. at ambisyosa ka na a-apply ng call center ! ano ulit sabi mo? "gusto ko sana mag-aFFly sa office nyo? kelan ko pwede bigay aFFlication ko sayo? hay naku, sensya na po. pero jan palang eh bagsak ka na. pahiya mo pa ko.

di ako perpektong tao pero sana naman wag tayong masyadong manlit kung alam natin na halos kaugali lang natin ang nilalait natin.

mga kuwentong lamay

ayoko sana mag-comment tungkol sa lamay na napuntahan ko lately kaya lang di ko maiwasan. may mga characters duon na para sakin, nakakaaliw.

1. rigor mortis - medical term ito sa bangkay na naninigas na talaga. isabg bata to sa lamay. aba nagulat ako, natutulog sya sa sofa at parang naninigas ang katawan. straight na straight at parang nakatingala pa ang ulo nya. hanu ba yan? gusto ko sya gisingin para itanong ng " bata, buhay ka pa ba? ".. hehehe. joke. at take note, gusto nya nakalabas ang panty pag tulog.baka daw naiinitan.. sabi ng kuya nya, " buti na lang, soen panty nya ". hmmm ano kaya meron ang soen at ok lang makita ang parteng yun?

2. the mummy - kapitbahay ito. retarded. maitim pero naka-silver na belt. at hanep sa porma! mahilig sya sa orange na tshirt. nakita ko sya pano matulog. nakatagilid. ang kaliwang kamay nasa kaliwang pisngi. nakabaluktot. hmm itsura ng inca na nahukay sa isang kuweba. parang bigla kong gusto mag-alay ng kandila at mag-ritual hehehe.

3. si dungis - ito ang bata na daig pa ang batang palaboy sa dumi. 2 beses lang yata sa isang linggo kung maligo. pabalik-balik pa sya sa mesa para kumuha ng pagkain. kung di mo lang alam na relative ito, malamang pinagtabuyan mo na to at sabihan " bawal ang magpalimos dito ". naligo nga sya kahapon pero parang wala lang nangyari. mahiya na lang ang tubig na ibuhos dito.
sensya na sa panlalait. di ko lang maiwasan punahin. naaaliw lang ako.

pahabol : may mga pamahiin duon na ngayon ko lang nalaman.

1. pag may humatsing, pipingutin agad ang tenga. para daw hindi dadalawin ng patay. hello? eh kaya nga humahatsing ang tao kasi may nakapasok na virus sa katawan. pangontra ito para mailabas ang mikrobyo. kaya marami na ang nagka-sipon sa kakapigil sa paghatsing.

2. hindi pwede humabol sa burol - balak ko kasi sana humabol na lang kasi ala-2 ang libing eh ala-1 ang labas ko. kasi pag daw, baka may humabol din na susunod na mamamatay. hirit tuloy ng isang matanda sakin, " maawa ka naman sakin. di pa ko handa ". hala, di ko alam kung nagpapatawa sya o talagang takot lng.

3. hindi daw pwede ihatid ang bisita pag uuwi na. kung pwede hanggang pinto na lang sana. kung bakit, di ko alam.

4. eto pa, pag may magbigay daw ng abuloy after ng libing, bawal na daw tanggapin. huh? ewan ko san galing ang pamahiin na to pero sayang naman kung di tatanggapin kasi pera yan eh.

hayy, kung tutuusin, robot na ang nagpapalakad sa ibang nasyon ngayon. nakarating na ang tao sa buwan. at wala na rin si maria clara para maging konserbatiba tayo. okey, irespeto ang pamahiin pero sana man lang, mag-isip din tayo kung talaga bang makakaapekto to satin. kasi para sakin, kathang isip lang to.

the unexpected

2 nights ago, namatay ang mother ni amy. kuwento ng mga kapitbahay, masaya sya nung umaga pero di namin inexpect na mawawala sya pagsapit ng gabi. high blood sya. diabetic pa. siguro daw, inatake ng HB at nahilo kaya natumba. nabagok ang ulo sa semento at nagsuka ng maraming dugo. comatose na pagdating sa hospital. 2-3 hours later, wala na sya.

naisip ko kung gano kabilis mawala ang buhay ng isang tao. kanina lang, kausap mo pa pero di mo inaasahan, mawawala lang bigla.

nagpapasalamat ako na nagkaayos kami bago sya kiniha ni Lord.

nagkita ulit kami ni boy saudi. akala ko papatayin nya kami kasi yan ang sabi nya noon. pero wala. mukha pa syang kawawa ngayon kasi kahit pambili ng sponge at dishwashing paste, wala na sya. ano ba? bat ngayon, para kang maamong tupa? at kung makaiyak ka sa kapatid mo, akala mo bata. tsk tsk tsk.. wala ka talaga oo. ewan ko sayo!

masakit ang ulo ko. nahihilo ako. tulog muna ako.

hafi balentimes !!

ok na ko. salamat sa mga payo, friends.. ganyan talaga ang buhay. malapit na kami mag-4 years at madami na kami napag-daanan sa relationship namin. sana kami pa rin hanggang pagtanda namin.

bakit ngayon mo lang sinabi?

sana lang maintindihan kita. nawawalan na ako ng gana. mahal kita and sana totoo ang sinasabi mo. pero kung gusto mo pa rin sya, just tell me the truth. i'll understand.

anticipated!

" it's better to pet a snake in your backyard than to help a person without an owe of the inside ". ( mas mabuti pang mag-alaga ng ahas sa bakuran mo kesa tumulong sa taong walang utang na loob ).

sana walang masyadong mag-react kung hindi, isa kang anticipated! antipatika yan ok!
wala lang kasi akong ma-post talaga.

maan, congrats sa promotion. sana wag mo kalimutan na minsan, humingi ka sakin ng advices. hehehehe.. joke! goodluck, my friend. we're happy for you :)

si nginig, si lola, etc., etc.

akala nyo horror na naman to noh.. hindi... si nginig, kapitbahay ko yan sa pasay. bakit nginig? may-ari sya ng tindahan malapit sa min. dun ako bumibili lagi ng yelo at kung ano-ano pa. alcoholic kasi sya kaya medyo pasmado na kamay nya at laging nanginginig pag nag-aabot ng binili mo. kanina bumili ako ng pork and beans. di ko alam kung alam nya ano ang binibili ko. nagtanong pa sya sa misis nya kung magkano eto. tapos, nagulat ako, inabot sakin, condensada. sabi ko, "kuya, pork and beans ho". sagot nya "ah, sori mali". tapos akala ko tama na ibibigay nya, ung inabot na naman sakin, corned beef! susme, di ko alam kung matatawa ako o maiinis. kaya sabi ko ulit," kuya, pork and beans hu. ung sa taas ng pinagkunan nyo ng corned beef". narinig siguro ng asawa nya, tinuro na lang sa kanya. di na ko ngumiti kasi baka gyerahin ako ng kumander nya. tapos pag inaabot na ang binili mo, kelangan alisto ka rin kasi minsan, sa sobrang nginig ng kamay nya, nagkakatapon-tapon ang binili mo. parang gusto ko tuloy sya sabihan na tumigil na sa pag-iinom at lumalala ang resulta ng alak sa kanya.

nakuwento ko na rin minsan yung tungkol naman sa isang lola na may-ari din ng tindahan malapit samin. dun naman ako bumibili ng softdrinks kasi mas malapit sya sa bahay. di ko alam kung kelan nya pa natutunan ang amazing act nya pero nakakatuwa sya. mahilig si lola sa sigarilyo. pero alam nyo ba, ang nakasinding parte eh nasa loob ng bibig nya at ung filter nasa labas. baliktad! pero keri nya. curious ako kung napapaso din kaya sya at kung nilulunok nya ang abo na tumataktak? hmmmm? sabi ko nga, siguro dati si lola, kumakain ng apoy o di kaya bubog. at sa pagtanda nya, sigarilyo na lang ang kaya nya kasi baka sa edad nya at kumakain pa sya ng apoy, eh cremation na un. hehehehe.. joke!

may mag-asawa naman na nakatira sa isang jeep. di ko alam kung bakit dun sila natutulog. pag makikita mo ang jip, may mga nakasampay na mga damit at merong maliit na cabinet pa. sobrang liit para kumasya sa sasakyan. pero parang walang problema ang mag-asawang ito. makikita mo sila laging nakangiti at feeling nila, mobile home ang tinitirhan nila. gusto ko nga minsan alukin ng DTV at baka interesado sila hehehe.

yung mga babae naman, pag-umaalis ako ng bahay, makikita mong nag-uumpukan na sa isang tabi. merong nagkukutuhan, nagpapatanggal ng uban, o di kaya nakaupo na parang nag-aantay ng ng grasya galing sa langit. pero ung may mga pera, nagto-tong its na yan. meron ding mahjong. typical na housewives. antay sa pera ng mga asawa at para merong ipambili ng ulam. pero observe ko, pagka may umuuwi lalo pag sueldo at may bitbit na grocery, maglalakihan na ang mga mata at titingnan ang dala mo. na parang kamag-anak sila ni superman na merong x-ray vision at makita ang loob ng supot.

pero kahit ganito ang mga kapitbahay ko, naiintindihan ko sila. kasi sa araw-araw na ginawa ng langit, eto lang ang mga pwede nilang gawin. ganyan sila eh. kaya mabagal ang asenso ng tao. salamat na lang at merong nginig samin. aliw na ko dun.

casper

naniniwala ba kayo sa multo? totoo kaya na may mga namamatay na nananatili pa rin dito sa mundo? mahilig ako magbasa tungkol sa paranormal pero di ako gaano naniniwala sa multo kasi wala pa kong nakita o naramdaman at para sa akin, kung sakali mang magpakita ang isang kaluluwa, hindi sa katauhan ng isang tao kundi makikita mo ito na parang usok lang.

naalala ko ang kuwento ng tita ko na nakaranas ng out of the body phenomenon. sabi nya, isang gabi daw habang tulog sya, naramdaman nya na gumagaan ang pakiramdam nya. hindi nya malaman basta parang nakalutang sya. nang ipikit nya ang mga mata nya, nakita na lang nya ang katawan nya sa higaan katabi ng tito ko. pinilit nya tingnan ang mga kamay nya pero ang nakikita nya ay parang bulak ang katawan nya. gusto nya sumigaw pero walang boses na lumalabas kahit nakabuka na ang bibig nya. nakita na lang nya na parang hinihila sya sa isang tunnel na may liwanag sa dulo. ayaw sana nya lumapit duon pro may parang humihigop sa kanya. at pagpasok nya sa liwanag, maaliwalas ang naging pakiramdam nya at parang wala syang maramdamang takot o ano man. nakita nya ang malawak na hardin at puno eto ng mga bulaklak. papunta na sana sya sa isang parang daan ng may narinig sya na "it is not your time. go back". bigla daw syang hinigop ulit papasok sa tunnel at nakita nya na binibigyan sya ng cpr. nagising sya na may nagsi-cpr pa rin. bumalik na sya sa katawan nya. ayaw ko sana maniwala pero marami na ring nagkaroon ng ganitong karanasan.

napapnood din natin sa tv ang mga nagmumulto, na kung ano ang hitsura nila nung namatay sila, ganun din sila pag nagpakita sila sa tao. maaring maramdaman natin sila pero ung makita natin ang anyo nila, para sakin, imposible eto. ang tao kasi, pag namatay, aakyat na ang kaluluwa nya sa taas. pero syempre, iba-iba ang paniniwala natin. lalo pag iba ang relihiyon, iba iba ang pananaw sa kamatayan.

pero magtataka pa rin kau kung bakit ako atat sa paranormal. ewan ko. curious ako. nung pumunta nga kami sa MFC, nakaramdam ang mga kasama ko ng lamig daw. eh pano di lalamig, alas-12 un ng gabi. at sinilip ko ang basement pati na ang taas ng building, wala rin akong nakita. last naming pinuntahan ang theater mismo, kasi sabi ng mga guards, dun daw marami nagpapakita kasi halos dun nalibing ang mga construction workers dati. pumasok kami ng isa kong kasama. hinayaan kami pumunta malapit sa back stage. ang kasama ko, sabi nya parang may nakita syang anino sa likod pero nang tiningnan ko, wala. at nanlalamig sya pero ako wala pa ring nararamdaman. niyaya ko na lang sya palabas ng theater. paglabas namin, dun ko pa lang nakita na putlang-putla sya.

dati din nung nagtatrabaho pa ko sa hospital sa bacolod, naka-assign ako sa 4th floor. ako lang ang staff dun at ang midwife na kasama ko. 12am ang pasok ko so mejo ok sakin kasi puro tulog ang mga pasyente ko. 1am, nakarinig ako ng tili at nalaman ko na ang kasama ko ang nagtatakbo pababa ng floor.

tinawagan ako ng kasama kong nurse sa 3rd floor at kinuwento nya sakin na kaya nagtatakbo ang midwife namin, may nakita daw syang parang anino na palakad-lakad sa isang kuarto. at nung nasa loob sya ng pantry namin, bigla daw bumukas ang isang drawer namin. kaya sa takot, napatili sya at tumakbo pababa. pinilit ko sya bumalik sa floor at para di sya matakot, nagpasama kami ng isang helper. nag-abang ako hanggang alas-3 pero wla akong nakita.
siguro wala akong talent na makakita o makaramdam. o di kaya, gaya ng sabi ng isa kong kaibigan, baka hindi nakabukas ang third eye ko. baka nga. pero sa isip ko, sakin yata takot ang multo.

pano daw ang mga taong biglang namamatay? sila yata yung sinasabi nila na may unfinished business. hindi pa sila nakakaakyat kasi hindi sila aware na wala na pala sila. ung minsan na-feature sa tv, ung tungkol sa bata na nag-mumulto sa ambulance. ksi sa sasakyan na sya namatay at wala syang alam na patay na sya. kaya hanggang ngayon, nararamdaman sya ng mga pasyente sa ambulansya, na merong parang naglalaro at tumatawa.
di ko alam kung ano magiging reaksyon ko sakaling makakita o makaramdam ako. siguro dahil tao lang, pwde akong matakot. tsaka ko na lang ikwento pag may nakita ako. sana kung kasing cute nya si casper, baka gawin ko syang pet.

di ako naka-post last week. ewan ko ba. may naisulat ako sa notepad pero di nakakalimutan ko i-post. anyway, ok lang weekend ko. di kami lumabas kasi tinatamad na and mejo tipid na din kasi may gagastusan. pumunta lang ako sa harrison at bad trip lang kasi may parada ng sto. nino sa roxas and nagka-traffic. pauwi na ko at naka-sakay na ng jip pero 20 mins. na, di pa umaalis ang jip sa harap ng mall. kaya, bumaba na lang ako at nilakad pauwi. majo paltos paa ko pero ok lang kasi nakauwi na ko, ang jip na sinakyan ko, di pa rin nakaalis ng vito cruz. natunaw tuloy ang chocolate na binili ko. bad trip!

tapos kahapon, nakabili ako ng 2 libro sa National kasi bargain. P50 lang isa. ok na rin kahit may kalumaan kasi maganda naman ang story.

hanggang ngayon, di ko pa rin nagagawa ang letter ko kay chit. sabi ko sa kanya, magpapadala ako pero parang wala pa ko sa mood sumulat. magagawa ko rin yan.

sa 700 club pala kagabi, nag-confess ang isang negro kasi dati, palaboy sya at nahuli sya sa pagnanakaw sa isang grocery store. pero nung nasa kulungan na sya, nakita nya sa tv ang isang pastor at nagustuhan nya ang preaching nito. simula noon, nagbabasa na sya ng bible at nakita sa kanya ang pagbabago, pinalaya sya at nagbagong-buhay na sya. ngayon pastor na rin sya at patuloy sa paglilingkod sa Diyos. maganda ang story. sana kung ang mga taong nalihis sa landas makaisip din na baguhin ang buhay nila, mababawasan ang masasama dito sa mundo.
maaga pa para mag-sermon ako. tama na muna to.

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60