black saturday

sabi ng iba, eto ang araw na walang diyos. kasi sa araw na to, namatay si Christ. sabi pa ng iba, sa araw daw na to lumalabas ang maligno at kasamaan kasi nga walang diyos. di ko alam kung san nanggaling ang concept na to. dapat kasi, instead mag-isip ng kung ano, mag-reflect, kasi sa araw na to na-give up ni Christ ang buhay Niya para ma-save ang mga tao sa kanilang kasalanan. Amen!

" bukas ka pa uuwi. sori kung sobra ang paranoia ko kasi ayoko lang kasi nag-aaway na naman tayo. 4 years na tayo and sabi nga nila, ang tatag na ng relationship natin. pero sana lang, wala ng manggugulo satin. intindihin mo na lang sana na insecure ako when it comes to him. and one thing pala, hindi ako pwede makipag-compete sa family mo. once mo na sinabi sakin na sila ang priority mo. matatanggap ko rin sa huli kung hanggang saan lang ako".

tama na ang drama. parang di yata bagay sakin hehehehe.

happy weekend sa lahat ng friends ko :)

happy holy week :)

it's holy week and sa church namin, meron kaming prayer meeting until good friday. then pag easter sunday, nagtitipon ang lahat ng baptists and evangelicals sa sports complex para sa sunrise service.

maiiwan ako mag-isa sa bahay kasi uuwi si amy sa bahay nila. forty days na rin kasi ng mama nya. siguro i will reflect o di kaya matulog na lang din.

wala na ko maisip i-post. next time naman.

bago mag-rest day

rest day ko na naman. di ko masabi kung ok ang week na to. kahapon lang, naiyak ako sa fx. at wala akong paki kung nakita ako ng mga tao kasi mas mahirap pag pigilan di ba. sana lang, matigil na un kasi baka magwala na naman ako.

pero ok na ako. ayoko na lang isipin pa kasi baka ma-bad mood lang ulit ako.

pag committed ka, unacceptable na na makipag-relasyon ka sa iba. touched ako dito. pero sori lang, may tiwala ako sayo pero wala akong tiwala sa kanya.

miss ko sila

one month death anniv ng mama ni amy kahapon. every night, umiiyak pa rin sya. i understand this although magkaiba ang naging situation ng death ng mom ko sa kanya. sana lang, soon maka-get over na sya sa depression kasi ayoko ko sya nakikita nahihirapan.


nagti-text kami ng niece ko na si apple. grade 5 na sya ngaun. i remember her na sobrang spoiled sakin. walang araw dati na di ko sya dinadala sa mcdonald's or jollibee at lagi akong may pasalubong sa kanya tuwing uwi ko from work. 5 years sila nag-stay samin and ang dad nya ang pinaka-close sa mom ko sa mga pinsan ko. and nung lumipat sila ng tirahan, halos araw-araw naman ako pumupunta sa kanila. minsan, dun na ko natutulog sa kanila.


di lang sya ang na-miss ko. ung iba ko ring mga pamangkin.


pero syempre, mas miss ko ang anak ko. sa birthday nya, uwi na talaga ako.

what matters most in this life isn't why

in your mind, you keep asking why
you know you ask too many questions
we're only in borrowed time
and for me, you don't have to know all the reasons.

what matters most in this life isn't why
but simple things like when one holds your hand
when you're assured that there someone who cares
who makes you feel special in so many ways.

why do we keep wanting for more in life
and we keep looking, but we don't know what to find
we have so much but are never content
we can't explain the emptiness we have inside.

lonely and lost are what we feel sometimes
feeling incomplete we just can't understand
why we want to have some things not meant for us
why we want to love what never can be ours.

what matters most in this life isn't why
just live your life, give the best that you can
somewhere along the way, we will find in time
we can feel complete without asking WHY.

happy ako

sobra akong happy. i got a text from my cousin na 2 years hindi ko nakita nor nakausap. nakausap ko rin ang mga pamangkin ko na halos ako ang nag-alaga sa kanila nung time na sa haus namin sila nakatira. di nga lang ako matandaan ng iba kong pamangkin kasi maliliit pa sila nung umalis ako sa bacolod.

naiyak din ako nung nalaman ko na 80 years old na pala ang tita ko. eldest sister ng mom ko. sobrang miss ko silang lahat. kuwento pa ng pinsan ko, nakikita daw nya si deedee lagi sa market at dala ang bag na pinadala ko sa kanya. sana lang pag-uwi ko, ok na kami ng iba kong pinsan. at sana tanggap na nila ako.

epistaxis

nag-pto ako ng saturday kasi kelangan ko magpahinga. nasabi ko na sa last post ko na dumudugo kasi ang ilong ko. kaya nung weekend, rest galore ako. and dun ko lang na-observe na rest lang pala kailangan ko. ngayon di na ngdudugo ang nose ko. and dapat ko na rin i-stop ang pagsinghot ng menthol kasi nakakasira ng sinuses. hmmm ngayon ko lang naisip ang disadvantage eh almost 10 years na ako gumagamit nito heheheh. nagpagawa rin pala ako ng bagong salamin kasi tumaas ang grade ng mata ko.

sabi pala ni rica sakin, open ng konti ang third eye ko. di ko alam kung totoo ito pero sana wag maging full kasi ayoko maging praning, na kahit saan ako tumingin, may makikita akong di kanais-nais. tuwing pumupunta kasi kami ni amy sa sementeryo, parang mabigat ang pakiramdam ko and sumasakit ang ulo ko. and last time, bigla akong nag-chill... wala naman akong lagnat. ang ginawa ko, kinausap ko ang mama ni amy at baka sakali nagpaparamdam sya sakin. di ako natatakot. ayoko lang ng feeling na mabigat, lalo sa balikat.

sa totoo lang, di ko naranasan to sa mommy ko. never ko naramdaman na anjan sya. how i wish na kahit sa panaginip, mag-usap man lang kami.

di pa naka-let go si amy sa mama nya. every night, umiiyak pa sya and ayoko sana na bini-blame nya si God sa pagkawala ng mama nya. sabi ko nga sa kanya, may plans for her and sa siblings nya kaya nangyari un, and besides, time na ng mama nya para bumalik sa Kanya. i know it will take a while para matanggap nya pero kelangan ko intindihin.

sana she can move on na. coz i know, naka-move on na ang mama nya.

post ulit ako!

ilang days din wala akong post. wala lang siguro akong maisip na magandang isulat.

worid ako kasi lately, nagno-nose bleed ako. siguro dahil sa sinusitis ko and dahil na rin siguro sa matagal ko ng pagsinghot ng menthol. adik na nga tingin ng mga tao dito sakin pero keri lang kasi, lahat yata sa pamilya namin, di talaga pwede walang vicks or something menthol na sinisinghot. kelangan ko yata magpa-check up kasi the last time na na-xray ako, dun ko lang nalaman na may sinusitis na pala ako. ayoko magkasakit. kaya kelangan ko na tumigil kasi ayokong umabsent.. chos!

nagpapasalamat ako na na-recognize ang pagod ko sa fulfillment. salamat sa mga sups na nagtiwala sakin ha :)

4 years na kami. happy ako na kami pa rin and sana, hanggang pagtanda namin, kami pa rin.

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60