love ko ....

For someone who completes me,

Thank you for bringing out the good in me. Sobrang dami ako natutunan sau. You made me control my temper na wag masyado ma-irate. And sa mga times na negative ang naiisip ko, you tried lifting my spirit para maging positive ang lahat.

You made me smile the whole time. Pero sa mga days na di maganda ang timpla ng mood mo, don't worry. I understand kasi pagod ka sa work and may ibang pressure din sau na di natin ma-control.

Lagi mo tinatanung sakin ganu ka ka-importante sakin? I cannot tell the exact measurement kasi for me, unconditional ang nararamdaman ko.

We may have the right love at the wrong time pero I know, everything has the reason bakit ka binigay sakin.

I'm with you all the way.. Lahat kaya ko tiisin, wag ka lang masaktan or malungkot. If one day you decide to leave, help me na makaya ko. Na ready ako matanggap lahat.

I don't demand and I know where I should stand.

I love you...

Di na ko lutang !

Tumambay ako kagabi sa ofis para mag-check ng emails nang makatanggap ako ng text galing sa isang manager sa Baguio. Yehey ! Pinalipat ako ng account and sobrang happy ako.. siguro naman nakita ng boss ko at ng mga kasama ko na sobra akong grateful sa pangyayari. At least hindi na ko lutang. Nagiging depressed kasi ako ulit kasi worid ako at nauubos na ang leave credits ko sa pagtambay.. Ayoko maging luhaan ulit kasi wala akong sueldo.

Thankful ako sa mga taong nagtiwala sakin. Kahit temp lang, okay na sakin un. Importante, hindi na ko floating.

And syempre, isa sa nakapasaya sakin eh makasama ko sa account ang currently nagpapa-smile din sakin. oopppsss... di pde i-disclose ang pangalan at mejio secreto lang to hehehehe.. basta happy ako.. sobrang nag-pray ako kay Lord and alam ko, kaya ko to.

Floating flowers

Astig ba ang title? Kakatapos lang ng stint ng seasonal account and eto, floating na naman. Wow, umaatake na naman ang depression ko. Miss ko na mag-work ulit and mas miss ko ang mga kasama ko sa office. Everything happens for a reason daw. Oh well, sana lang, may patutunguhan ang lahat. Mahirap walang trabaho ngaun. Lalo pa pag malayo ka sa pamilya mo. Wala ka ibang katulong kundi sarili mo lang. Malalampasan ko rin to.

Pero kahit ba naka-float ako, masaya naman ako. BAkit? hmmm akin nalang yun hehehehe.. Some friends may have the idea pero hindi rin pde i-disclose. Mahirap na. Basta masaya ako. Yun ang pinaka-importante sa lahat.

Okay, I asked God for this someone and He gave me ................... But as i've said, everything has reasons bakit. She gave me all the reason para maging happy and maisip anu ang mahalaga in life. BAsta, thankful ako binigay sya sakin. I know may complications sa relationship namin but still, aalagaan ko to. And as promised, I will stay for her, for keeps.

Proflowers, Tagaytay, JLo .....

Malapit na ang mother's day and bibili na naman ang karamihan sa US ng bulaklak. Buti naman kasi training ulit. Trabaho na naman. Di na ko ma-bore sa bahay.

Last weekend, nagpunta kami sa Tagaytay. Kasama ko ang mga dating alagad ni Don Armando. Balikan lang. Masaya. Nakaka-miss ang bonding.

Lately, hooked din ako kay JLo. Sobrang ganda nya. Magaling mag-perform on stage. Di nga lang ko sure kung ung ibang kanta nya eh lip synch o hindi. Pero kahit na, maganda pa din sya.

Wala na ko masyado maisip. Next time, habaan ko ang ita-type ko. Lutang lang utak ko ng konti hehehehe.

Lutang ...... Blocking ....

Lutang ... floating ..... oo, wala na si Don Armando.. Simula pa nung nagtapos din ang Marso. Nakakalungkot, nakakabagot..

Mixed emotions ako. Okay din sana na makapag-pahinga ako kasi matagal ko na naramdaman din ang pagod, pero sa isang banda, nakakabagot na din.

Nung lenten, dun kami ni Geisha sa caloocan sa relatives nya. Blocking ako oo hahahahah.. Si Geisha nalang may alam kanino ako blocking.. Ilang araw din namin kabonding ang RH. Sipa kung sipa! Pero nagpunta naman kami sa Lourdes grotto. Nakapag-reflect ng konti. Konti nga lang heheheh.

Sa stay namin dun, naging close samin ang baby na si Era. Half arab sya and super cute na baby. Wala syang angal kahit sino kumarga sa knya. Except nalang kung gutom o antok. Mahilig mag-thumb suck and naka-smile pag good mood. Nasa bahay sya for 2 days and ma-miss na naman sya namin ni Jeff kasi di namin alam kelan kami babalik. And syempre ako, may ma-miss din na iba hahahahahahha.

Blocking ko? Wala lang. Medyo complicated pa. Gusto ko man seryosohin pero parang may kahirapan. But still, kung di man maging kami, okay lang. I'm willing to help pa din. Happy lang ako kasi may moments na sweet kami, kung dalawa nalang kami. Syempre, since complicated, discreet nalang hehehhee.

Hayyy sana soon, di na complicated ang buhay ko... Yung di na ko kelangan mag-blocking pa. And steady na din, di na lutang.

First Impression Part 3

1) GEISHA - una ko syang nakausap nung nag-coaching ako sa kanya. Tahimik sya at busy lang mag-type sa pc. Ni ayaw tumingin sa mata pag kinakausap. Napaisip tuloy ko kung panu ko simulan ang conversation namin. Blunt affect. Kung anu lang itatanung mo, sasagutin nya lang ng oo o hindi. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, mahirapan yata ako sa taong to. Tapos tinanung ko sya kung may alam pa syang bakante na room kasi ang kasma ko sa training, wala pa matitirhan. Walang tingin sakin sinabi na, 'wala na eh'. Un lang ang pinakamahabang sagot nya sakin. Bitchera ang bading na to. Mula nun, di ko na sya pinapansin. Except nalang kung mag-coach ako. Di kalaunan, naging close kami. Di ko matandaan panu nagsimula ang friendship namin pero enjoy ako sa company nya. Akala ko, wala na sya ihihirit sakin. Isang araw, naisipan namin kumain ng quails eggs sa pantry. 10 ang kinain nya. Nung pauwi na kami, biglang nag-rebolusyon ang tyan nya. Hinimas ko sa likod sa pag-aakala ko na ma-ease ko ang sakit nya. Aba, bigla bumaling sakin at sumigaw ng 'WAG MO KO HAWAKAN!'. Parang gusto ko malusaw sa mga oras na un. Feeling ko isa akong salot na nagkukunwaring tao. Susme, di ko na pinansin ang mood nya. nagmamadaling lumakad papunta sa kabilang building na walang lingon-lingon. Bigla nag-text, 'teh, uuwi ka na?' sabi ko, 'nasa jip na ko pero di pa umaalis. San ka? puntahan kita'. Sabi nya 'cge teh, kita nalang tau sa harap ng building'.. aba, parang maamong tupa.. cguro naka-release na ng kung anung bomba un.. pero kahit ganyan si Geisha na minsan maldita, mahal ko yan. Meron pa nga kami commitment ring. Parang ko syang kapatid, at never a dull moment pag kasama ko sya. Lahat ng storya sa buhay ko, alam na nya. At ang pinaka-classic na kuento namin? Ang pangyayari sa NAIA3. hehe.

2) DRAKE - first days ko sa account, sa kanya ako naka-barge. Tahimik din sya. Minsan di mo namalayan, dumating na pala at nagco-calls na hehehe. Soft spoken ang ateh kong to. Kaya mahaba ang aht dahil sa mejo mabagal sya magsalita. Napakabait sa calls nya. Nakuha nya ang attention ko nung nalaman ko na mahilig din sya sa horror films, lalo pag asian. At lalo ko humanga sa kanya nung nalaman ko na isa syang DJ pala. hmmm sosyal tong ateh ko. Maalalahanin din. Yun nga lang, lagi nabibiktima sa nakawan. Minsan, nagtext sakin kasi nanakawan sa bar. Asus namn, sana kasi nag-iingat di ba. Pero itong friend ko eh hindi mo agad mapapagkamalang becky. Lalaki ang dating nya. Kahit maglakad, hindi becky. Wag mo nalang pasalitain. Bukelya na ang lolo mo hehehe.

3) ROSS - natandaan ko sya as agent ng DR. Maganda ang mata. Yan ang unang napansin ko sa kanya. Nalipat sa Ernani and bihira ko na sya makita. Nung pumasok na ko sa team nila, mejo napansin ko may pagka-irate sya. Minsan, pumapasok, nakasimangot. Kaya kelangan ko rin tantyahin ang ugali. Baka naman mapahiya ako hahahahah. Aliw ako mag-eval sa kanya kasi may mga mababasa akong chat at syempre, kita ko pagiging sweet nya kay Keith sa chat nila hehehe. Pero ang pinaka-nagpalapit sakin sa knya? Nung nalaman ko na may common factor kami nyaahahahahahahahah ! Kami nalang 2 ang nakaka-alam kung anu un...

4) PIERRE - bagong agent sa Ernani. Unang nakapansin sakin sa knya ang pointed shoes nya. At walang pagdududang isa syang becky belo heheheh.. Love u, Pierre !. Nalaman ko na nurse din sya and dating seminarista. O di ba taray ! Active sya sa simbahan nila and sana lang, matino sya sa mga kapwa nya seminarista hahahahahaha.. Hmm naisip ko tuloy, kung naging pari kaya tong isang ateh ko, anu kaya ang pde nyang maambag na kabutihan sa simbahan? hehehehehe.. Pero sweet tong si Pierre. Para syang baby kung matulog. Pero pls lang, wag nalang nating lasingin, at kung anung kabaitan ang pinapakita nya pag di nakainum, kabaliktaran sya pag may alcohol na sa katawan. Walang preno kung humalik kay .............. hehehehehehehe... Basta ateh, enjoy ako kasama ka. Kayo. Kasi ang landi mo hahahah.

5) CONS - si Cons. Agent ko sa DR sa Baguio, First time kami nagkita nung nilipat sya dito sa Manila and kaming 2 magkasama sa training. Matangkad. Guapo. Matipono. hmmm ............ read between the lines hahahahahhaa... Malambing sa ibang mga becky belo. Pero gusto nya magkapamilya. OO, u read it right. Wag nyo sya mapagkamalang becky. Dahil hindi sya kasama ng fed ex. Gets ? May pagka-maarte nga lang. Ayaw nya minsan sumama sa mga lakad. Maarte! Nag-iinarte! hahahahahaha... Basta read between the lines na lang hahahahahaha...

ang pagbabalik----Bianing Diaries at its finest

Taon ang binilang ko bago ko muling nabuksan ang blog na ito. Inaamag, iniipis at marahil at muntikan na syang maagnas at mabura sa kawalan.


December 11, 2004, alas dos kinse ng madaling araw ng maisipan kong mag blog!

Dala ng pagkabagot at kung anu-ano pa! Subalit sa loob ng dalawang taon kong pagba-blog, napagod ako at naiwan ko ito.
Nobyembre ng taong 2006, ala-sais kinse ng hapon ng tuluyan kung iniwan ang aking blog. Kasabay nitong nabaon sa limot ang mga masasaya at malulungkot na sandali ng buhay ko.

Hanggang sa....

Buhay na naman ang blog ko. After ilang years na lumipas... Thanks, Geisha. I owe it all to you !

Marami na ang nangyari after my last blog. Wag nyo nalang pansinin ang kung anu mang nakalagay lalo na sa post script hehehe. Hayaan nalang natin ang involved jan na manahimik at very soon, ikakasal na sya. Malungkot pero let's face it, kasalanan ko lahat bakit kailangan humantong sa ganyan ang situation. Oo na.. Tao lang ako... Na ilang beses din nagkamali hehehehe.

Anu ba ang bago sa buhay ko? Hmm para sa iba, ako pa rin to. Yun nga lang, nagiging prominente na ang pagka-bianing ko. Sorry na lang sa mga taong nasaktan ko dahil sa pagbago ko ng pagkatao ko but I mean no harm. Lalo na sa baby ko na alam ko, one day, maintindihan din nya bakit naging ganito ang nanay nya.

Lately naging magulo ang buhay ko dahil sa pagka-involved ko sa isang taong akala ko eh, sya na ang pwede ko makasama habang buhay. Pero marami kaming issue na humahantong na kami sa away, sakitan ( emotionally and physically ). And lagi nalang kami nagsasalitaan ng di maganda. Iniwan ko ang babaeng for 6 years na nagtyagang intindihin ako and now, regrets na lang naiwan sakin.

Wag ko nalang i-elaborate ang naging buhay ko since last year. Ayoko na isipin yun at baka sumama lang ang araw ko. And I am already moving on. Sana sya din. Sana maisip nya kung bakit ayoko na. And sana tumigil na din sya sa pagpaparamdam kasi naka-let go na ko.

Sa ngayon, happy ako na nakakalabas ako kasama ang mga friends ko sa office. Lalo na ang mga beckys na walang sawang nagpapagaan sa lahat ng araw ko. Miss ko na din ang mga dating kasama ko sa account na nawala na. Ang mga kumares ko na alam lahat ng pangyayari sa buhay ko. And happy ako na kahit papanu, nagpaparamdam pa rin kami sa isa't isa.

Sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko, friends man or ex or whatever ( hahaha may ganun! ), salamat ! Kayo nalang bahala mag-isip bakit ako nagpapasalamat. heheheheh.

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60