ang pagbabalik----Bianing Diaries at its finest

Taon ang binilang ko bago ko muling nabuksan ang blog na ito. Inaamag, iniipis at marahil at muntikan na syang maagnas at mabura sa kawalan.


December 11, 2004, alas dos kinse ng madaling araw ng maisipan kong mag blog!

Dala ng pagkabagot at kung anu-ano pa! Subalit sa loob ng dalawang taon kong pagba-blog, napagod ako at naiwan ko ito.
Nobyembre ng taong 2006, ala-sais kinse ng hapon ng tuluyan kung iniwan ang aking blog. Kasabay nitong nabaon sa limot ang mga masasaya at malulungkot na sandali ng buhay ko.

Hanggang sa....

Buhay na naman ang blog ko. After ilang years na lumipas... Thanks, Geisha. I owe it all to you !

Marami na ang nangyari after my last blog. Wag nyo nalang pansinin ang kung anu mang nakalagay lalo na sa post script hehehe. Hayaan nalang natin ang involved jan na manahimik at very soon, ikakasal na sya. Malungkot pero let's face it, kasalanan ko lahat bakit kailangan humantong sa ganyan ang situation. Oo na.. Tao lang ako... Na ilang beses din nagkamali hehehehe.

Anu ba ang bago sa buhay ko? Hmm para sa iba, ako pa rin to. Yun nga lang, nagiging prominente na ang pagka-bianing ko. Sorry na lang sa mga taong nasaktan ko dahil sa pagbago ko ng pagkatao ko but I mean no harm. Lalo na sa baby ko na alam ko, one day, maintindihan din nya bakit naging ganito ang nanay nya.

Lately naging magulo ang buhay ko dahil sa pagka-involved ko sa isang taong akala ko eh, sya na ang pwede ko makasama habang buhay. Pero marami kaming issue na humahantong na kami sa away, sakitan ( emotionally and physically ). And lagi nalang kami nagsasalitaan ng di maganda. Iniwan ko ang babaeng for 6 years na nagtyagang intindihin ako and now, regrets na lang naiwan sakin.

Wag ko nalang i-elaborate ang naging buhay ko since last year. Ayoko na isipin yun at baka sumama lang ang araw ko. And I am already moving on. Sana sya din. Sana maisip nya kung bakit ayoko na. And sana tumigil na din sya sa pagpaparamdam kasi naka-let go na ko.

Sa ngayon, happy ako na nakakalabas ako kasama ang mga friends ko sa office. Lalo na ang mga beckys na walang sawang nagpapagaan sa lahat ng araw ko. Miss ko na din ang mga dating kasama ko sa account na nawala na. Ang mga kumares ko na alam lahat ng pangyayari sa buhay ko. And happy ako na kahit papanu, nagpaparamdam pa rin kami sa isa't isa.

Sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko, friends man or ex or whatever ( hahaha may ganun! ), salamat ! Kayo nalang bahala mag-isip bakit ako nagpapasalamat. heheheheh.

0 comments:

Armani Exchange Canada Fall '08 468x60